Chapter 33

679 40 8
                                    


Home



Ngayon ko lang ulit siya nakitang maglaro. Kita sa mga mata niya ang tuwa habang nasa court.

Ryoma and Jigger is currently having a friendly game. Jigger seems so distractive today dahilan kaya natalo siya ni Ryoma. Pinagtulungan tuloy siyang asarin ng mga kasamahan nila.

Lumapit si Ryoma saakin, pawisan ang buong mukha niya at balikat. Tumayo ako at kinuha ang kanyang towel na nasa tabi ko.

I help him wiped his sweat off. Tahimik lang siya habang matamang nakamasid sa ginagawa kong pagpunas sa pawis sa kanyang mukha.

His eyes looked so soft while staring at me.

Hindi ko maiwasang hindi mailang sa paraan ng kanyang paninitig saakin.

"Thank you," he said. Halos manigas ako sa sobrang lambing ng kanyang boses.

Alanganin akong ngumiti. Kahit kagagaling lang sa laro pero hindi man lang nabawasan ang kagwapohan niya. At imbes na mangamoy dahil sa pawis, mas lalo lang yatang nakakahumaling ang bango niya ngayon.

"Let's go," anya pagkalagay niya sa kanyang racket sa duffel bag.

"Hindi natin sila hihintayin?"  Nagtatakang tanong ko.

Lumingon siya sa mga kaibigan, si Ejie na at si Lycaniel ang naglalaro ngayon.

"Nope, why would I?" Umangat ang kilay niya saakin. "Bakit, may gusto ka bang hintayin sa kanila?" Paet at selos ang nahimigan ko sa boses niya. Kita mo, minsan hindi ko rin maintindihan ang lalaking ito.

"Nagtanong lang, may hihintayin agad? Ikaw 'yong inaalala ko, baka kaya ka nagmamadali ngayon dahil saakin."

"Kaya nga, dahil sayo. So, we can spend more time together." He casually said. Sandali akong natameme.

Nang maglakad ay napasunod nalang rin ako sa kanya. Hindi man lang siya nagpaalam sa mga kaibigan, tuloy tuloy lang ang lakad niya hanggang sa makasakay kami sa golf cart na maghahatid saamin sa receiving area.

Napatingin ako sa paligid nang magsimula ng umandar ang sinasakyan namin. Ngayon ko pa lang naappreciate ang kagandahan ng lugar.

Everything is green, kahit saan man ako tumingin ay puro malalaking puno lang ang nakikita ko. Sobrang lawak ng paligid. Nakakarelax. Maganda na ito nang una akong makapunta dito pero mas gumanda yata ngayon. Ngayon ko lang rin na realized na sobrang laki pala ng lugar. Kasi dati, nasa malapit lang sa entrance ang court na pinaglaruan nila Ryoma noon kaya hindi gaano ako nakalibot.

"Wow, ang ganda pala dito noh!" wala sa sariling naibulalas ko sa sobrang paghanga.

"Oo, maganda nga." His hoarsed voice sent shivers down my spine.

Parang mahika napalingon ako sakanya. Mataman siyang nakatingin saakin.

The longing in his eyes is very evident now. It has a mixture of pain and happiness. Posible pala ang ganon?

Nakatingin siya saakin gaya nang paano niya ako tinignan noon. Mahal pa ba niya talaga ako? We broke up dahil sa kagagawan ni Stephanie. Pero hindi ba nawala ang pagmamahal niya saakin sa walong taon na nagdaan?

Galing sa mata ko ay bumababa ang paningin niya sa aking labi. Kitang kita ko kung paano tumaas baba ang kanyang adam's apple.

Hindi ko maiwasang hindi rin mapatingin sa labi niyang ipinaglihi yata ni Mrs. Montefalco sa mansanas na walang kasing pula. Mas lalo yatang namula iyon ngayon.

Nang dahan dahang lumapit ang mukha niya saakin ay naistatwa nalang ako. Hindi ako nakagalaw ng lumapat sa labi ko ang walang kasing lambot na labi niya.

Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon