Chapter 23

556 29 5
                                    

AN: After 2 year nakapagpost narin ako ng update sa isa ko pang story na may title na "Ang Kaklase Kong Bully". If you like, you can read it, you might actually like it too. I also would like to recommend my other story na may tittle na "Sex Is My Business" as of now hold ko muna ang updates para doon as I want to finish this story first. If you notice, mas madalas na ang update ko ngayon kaysa noon, it is because I want to finish this story within this year. Maraming salamat sa mga patuloy na sumusuporta at nagbabasa kahit medyo hindi ganoon kabilis ang updates ko kumpara saibang writers dito sa watty. I owe you alot guys. Take care kayo palagi 💕🙂

And also, I would like to greet my son a happy2 birthday 🎉💙

Amla♥️



Cold treatment

Kanina ko pa tinetext si Ryoma pero hanggang ngayon ay wala parin akong natanggap na reply mula sakanya.

At dahil doon kaya mas lalo lamang nadagdagan ang pangamba ko na baka totoo talaga ang mga larawan na ipinakita saakin ni Amanda kanina. I'm used to him replying to my texts immediately lalo na kapag wala silang practices and tournaments, pero ngayon ay halos pumuti na ang buhok ko sa kahihintay pero wala parin.

Gulong-gulo na ang isipan ko dahil sa mga nangyari kanina. Kaya pagkauwi ay agad akong nagkulong sa kwarto.

Pagkapasok palang ay agad na bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Parang pinipiga ang puso ko sa takot na unti-unting kumain sa buo kong pagkatao. At ang hindi pagreply ni Ryoma sa mga text messages ko ay mas lalo lamang nagpaguho saakin.

Hilam sa luha na tinawagan ko sya. Walang sumagot. Halos isang oras narin akong tumatawag, hindi na talaga ako mapakali. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko na hindi nakakatulong.

Tinawagan ko ulit sya, this is time ay sinagot narin nya.

"Where are yo---" bungad ko pero hindi na natuloy dahil babae ang sumagot sa kabilang linya at hindi ang binata. Halos umurong ang dila ko dahil doon.

"Stop calling, isturbo!" Matinis ang pamilyar na boses nito.

"Bakit ikaw ang sumagot? Where is my boyfriend?" Nakuha ko parin na itanong, kinalma ko ang sarili, kahit na kabaliktaran ang gusto kong gawin. Nanginginig na ako sa pinaghalong hinanakit at pagkainis.

"Boyfriend?" I heard her laughed, "My ass!" saka nya pinutol ang tawag.

I don't want to conclude pero hindi ko maiwasang mag-isip ng mga negatibong bagay lalo pa't halos isampal na sa mukha ko ang katotohanan na baka may namamagitan talaga sa kanila.

If not, then bakit kasama niya si Stephanie kanina? Bakit halos dumikit na sakanya ang babae? He said he needed to go somewhere important, kaya hindi sya pumasok. Ang babae ba na iyon ang dahilan kung bakit sya lumiban sa klase?

Is he secretly seeing that girl while we are still together? They were holding each other's hands in those photos, and they even look like a couple.

Isinubsob ko ang mukha sa unan at doon nagpatuloy sa pag-iyak. I am so devastated, wrecked and messed up right now.

Halos hindi na ako makahinga sa sobrang sakit. I trusted him so much. He even said to me that he will always make me happy, pero bakit pinapaiyak nya ako ngayon? Bakit?

Absent parin si Ryoma sa sumunod na  mga araw. No texts and no calls.

Tulala lang ako sa klase. Kahapon ay hindi na ako nakapaghapunan. Konti lang din ang kinain ko kanina at ngayon na maglalunch break na ay hindi parin ako nakakaramdam ng gutom.

Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon