Chapter 20

701 31 3
                                    

AN: Chapter 1 and 2 has been updated. Minor changes lang, feel free to back read if you like hehe.

Don't forget to like and comment below for more updates 😉

Knight

Tanghali na ako nagising kinabukasan. Maghahating gabi na nang inihatid ako ni Ryoma pauwi.

Walang reklamo na sinamahan niya ako kagabi. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya sakanya ngayon. Palagi nalang syang nariyan para saakin.

When I checked my phone, nakatanggap ako ng isang it mensahe mula kay dad at dalawa naman mula kay Ryoma.

Daddy💕: I'm sorry I was not able to pick you up yesterday, anak. Babawi ako sayo sa susunod.

Ryoma: Good morning 🙂
Ryoma: Please don't forget to eat your breakfast, love.

Una kong nireplyan si daddy bago si Ryoma.

Medyo okay na ako ngayon kumpara kahapon. If not for Ryoma, I will never be this okay.

I'll try to be more understanding now. My daddy has a lot of businesses that he needs to take care. I know he is busy for my future.

Yes, aaminin ko na may kaunti parin na tampo sa puso ko pero hindi ko na hinayaan na maging dahilan iyon upang maging malungkot ulit.

Ryoma went to school para sa huli nilang ensayo sa taon na ito, kaya hindi kami gaano nakapagtext.

I decided to shop things for Christmas. Dahil wala ang driver kaya napilitan ako na magcommute.

Masaya kong nilibot ang buong mall na pinuntahan. Nang makapili na ng mga bibilhin ay nagtungo na ako sa counter.

I pay using my card, but the cashier returned it to me saying that there is something wrong with it.

Hindi ko maiwasang magtaka dahil dun.

Napapatingin na saakin yung mga ibang pumipila, kaya napilitan akong magbayad gamit ang cash na dala.

Dahil kulang ang pera ko kaya ibinalik ko nalang ang ibang gamit na nasa cart na hindi naman talaga kailangan.

Pagkauwi ay tinulungan ako ni Manang Brenda saaking pinamili. Masyaga namin na inayusan ang Christmas tree at nilagyan ng mga palamuti. Pagkatapos ay pinalibutan namin ito ng Christmas lights.

Lahat ng pagod ko ay nawala nang makita ang kinalabasan nito. It's very beautiful. I didn't know I have hidden talent in designing, nasanay na kasi ako na palaging may binabayaran si mommy na  mag-ayos ng aming christmas tree noon.

Sa sumunod na araw ay ipinaalam saakin ni Ryoma na sa Korea sila magpapasko at magbabagong taon ng kanyang pamilya.

Medyo na lungkot ako dahil dun, pero naging masaya nalang ako para sakanya.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Umuwi si daddy at sabay namin na sinalubong ang pasko at bagong taon.

Wala na akong hiniling ng mga araw na iyon. I spend the holidays with dad and even though Ryoma is away, ay palagi naman kaming nagtatawagan at nagpapalitan ng mga texts.

But after the holidays, ay naging busy ulit si daddy at hindi na naman umuuwi ng bahay.

Sa school na ulit kami nagkita ni Ryoma, dahil kakauwi palang nila kahapon. I missed him so much kaya hindi ko mapigilang yakapin sya nang makita ko sya sa campus.

"I miss you" amin ko sakanya.

He chuckled, "I miss you too," kumalas sya mula sa pagkakayakap saakin at hinalikan ako sa noo.

Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon