FearsRyoma is quite busy today. Ilang oras na syang nakaupo habang nirereview ang ilang dokumento. Paminsan minsan ay napapasulyap sya saakin.
Aila is also busy, halos oras-oras syang pumapasok dito para magpapirma ng mga kakailanganing pirmahan ni Ryoma. While me, I have nothing to do. Hindi ko nga alam kung ano talaga ang trabaho ko.
I tried helping Aila pero ayaw naman akong paalisin ni Ryoma dito sa opisina nya. He said he needed me, pero hanggang ngayon wala pa syang binibigay na trabaho saakin.
"Why did you hired me? Kung hindi mo rin naman ako bibigyan ng trabaho," sabi ko kalaunan.
"I hired you to be here, that's it." Sagot nya. Ni hindi man lang ako tinignan.
"H-ha?" Naguguluhan.
Nag-angat sya nang tingin saakin. There's something in his eyes, something so familiar. "You, being here is enough."
"So ang ibig mong sabihin, hindi talaga sekretarya ang trabaho ko. You offered me this job para maging display didto sa boring mo na office. Oh well, I understand. But too bad, malapit ng matapos ang isang buwan. Magiging boring na ulit itong opisina mo, I hope tutupad ka sa napag-usapan natin." Pang-iinis ko sakanya.
Tumigil sya sa ginagawa at saka itinukod ang siko sa table at inilagay ang palad sa ilalim ng kanyang panga.
Ngayon ay pinagmamasdan na nya ako ng maigi. Nag-iwas ako nang tingin.
"What should I do to keep you?" Walang sa sariling sambit nya. Masyadong mahina ang kanyang boses na halos hindi ko na marinig iyon.
Napaangat ang tingin ko pabalik sakanya. Our eyes met. Wala akong ideya kung bakit nya nasabi iyon, is he making fun of me again?
"Tss," sinimangutan ko sya saka inabala ang sarili sa pagsearch ng mga kung ano ano sa computer.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtayo nya. Hindi ko nalang pinansin. Tumigil sya sa harap ko.
"Let's go," anya saakin.
"H-ha? Saan naman?"
"I have a lunch meeting, need you to come with me."
"Ganon ba, sige!" Hindi na ako nag-ayos. Masyado akong naexcite dahil sa wakas may pakinabang narin ako.
Dinala ko ang aking ipad, baka kakailangan sa pagkuha sa minutes of meeting mamaya.
Pumasok kami sa isang eklusibong resto. Nakapagpareserved na pala si Ryoma. Sumalubong saamin ang isang lalaking waiter, iginiya nya kami sa table na nakalaan.
Wala pa ang ka meeting ni Ryoma kaya kami palang ang nandon. Sa tabi nya ako puwesto.
Pareho kaming dalawa na tahimik habang hinihintay ang ka meeting nya.
Bumalik ang waiter na nag assist saamin kanina, may dalang mga pagkain. Maingat nyang inilagay iyon sa table namin. Lahat ay pawang american foods. Hindi ko maiwasang maglaway, namimiss ko narin ang pagkain sa States.
"Let's eat," sabi ni Ryoma saakin pagkaalis ng waiter.
My forehead creased.
"Hindi ba natin hihintayin ang kameeting mo?" Nagtataka ko na tanong.
I saw how his lips form into a grin. "Actually, wala akong kameeting ngayon."
"Kung ganon, bakit 'yon ang sabi mo saakin kanina?" Naiirata ko na sita sakanya. He just laughed at me. Tila aliw na aliw. Hindi ko maiwasang mas lalong mairita.
"If I told you the truth, would you come with me?" nakataas ang kilay na hamon nya saakin. He has a point, I would definitely say no. But my question, why is he doing it?
BINABASA MO ANG
Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)
General FictionHighest Ranking: #1 - VarsityPlayer / #3 - Chinito