Chapter 32

755 44 6
                                    

Kiss

"Are you okay Shappire?" Concern was written all over his mother's face. Pilit akong tumango kahit na hindi.

Guilt is slowly eating me up. Naisipan ko pang maghiganti sa kanilang dalawa ni Stephanie, samantalang ginawa lang pala niya iyon dahil saakin.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako habang iniisip na kinailangan niyang pilitin ang sarili na makihalubilo kay Stephanie. Kilala sya ng lahat sa pagiging distance at aloof nya sa mga tao. Tanging mga kateammates lang niya ang kinakausap niya, kaya maraming nainggit saakin noon dahil ako lang ang bukod tangi sa lahat ang pinag-alayan niya ng pansin.

How lucky I was to have him. Too bad I lost him immediately.

"I'm sorry," hinging paumanhin niya saakin. Nakatitig lang siya sa mukha ko, na tila ba mawawala nalang akong bigla sa paningin niya.

Pumikit ako, avoiding his eyes. Siya pa ngayon ang nagsosorry saakin. Dapat ako, dahil wala sanang gumugulo sana sakanya ngayon kung hindi niya ako nakilala. Tahimik sana ang buhay niya.

"What did you do to her?!" Akusa ni Mrs. Montefalco kay Stephanie, umiiyak ito at hindi makatingin sa ginang.

"Wait, what?! You're siding this woman over my granddaughter? Are serious now? Tingin mo talaga magagawa ni Stephanie ito? Kung hindi sana nagdala ang anak mo ng isang warfreak, hindi sana magkakagulo dito!" Pag-alma ng lola ni Stephanie. Pulang pula na ang mukha nito sa galit.

Dumami na ang nakiusyoso at mas lumakas lalo ang mga bulong bulongan sa paligid.

Naningkit ang mga mata ni Mrs. Montefalco. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ng matanda.

"Wala kang pakialam kung sino man ang dalhin ng anak ko Mrs. Fedrigo! Tell your granddaughter to stop pestering my son, or else hindi ko na talaga mapapalagpas ang mga ginagawa niya!" She fired back. Lumipat ang tingin niya kay Stephanie. "May girlfriend na ang anak ko, learn to accept it. Let's go Ryo!"

Tahimik lang ako habang nakaupo sa sasakyan ni Ryoma. Ilang minuto na ang nakakalipas mula nang umalis kami sa hotel kung saan idinaos ang party.

Tahimik lang rin siya habang nagmamaneho. Seryoso siyang nakatingin sa daan habang nakakunot ang noo.

Napatingin sya saakin nang nakastop pa ang signal light.

"You sure you're okay?" Basag niya sa katahimikan namin.

Tumango ako at iniiwas ang mata. Ayaw ko siyang kausapin dahil baka pangunahan lang ako ng emosyon ko. Hanggang ngayon ay pinoproseso parin ng utak ko ang lahat.

Napapitlag ako nang maramdam ang kamay niya na humawak sa kamay ko na nakapatong saaking hita.

"I'm sorry, it was all my fault. Pero pangako, hindi ko hahayaan na saktan ka niya." madamdamin niyang wika saakin.

Napatingin ako sakanya, his bloodshot eyes are now staring at me intently.

Lumunok ako, finding the right words to say.

"Ako dapat ang h-humihingi ng tawad sayo, hindi ikaw. I-I'm sorry, dahil saakin kaya magulo ang buhay mo ngayon." humikbi na ako. Hindi ko alam kung sapat ba ang sorry sa lahat ng nangyari noon.

Kung hindi niya ako nakilala, hindi sana ganito kagulo ang buhay namin. Siguro hindi magagawa ni Stephanie ang ginawa niya noon kung hindi ako dumating.

"Hush, love, stop crying." Malambing ang kanyang boses, but the pain was very evident.

Pinusan ko ang aking mga luha, kahit na patuloy parin sa pag-agos iyon.

Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon