Inihatid ako pauwi ni Ryoma dahil mukhang hindi rin ulit ako masusundo ni daddy.Pinagbuksan at inalalayan niya ako pagkadating. Hindi na ako nagpahatid sa mismong harapan ng bahay dahil baka may makakita pa sa binata.
Hinalikan muna niya ako sa noo bago sya nagpaalam. Gusto sana nyang hintayin muna na makapasok ako saamin bago sya umuwi, pero dahil nga nag-iingat ako na huwag syang makita ni Manang Brenda or ni daddy kaya napilitan nalang ako na pauwiin sya.
Alam ko na madalang nalang na umuwi si dad, but I can't take any chances. Ipapakilala ko sya kay dad sa tamang panahon, yung hindi na gaanong busy si dad sa kompanya.
Hindi ko maiwasang magtaka nang makita nakapatay ang ilaw sa labas at maging sa loob ng bahay, iisipin mo na walang tao.
Wala namang sinabi si Manang Brenda kanina na aalis sya ngayon kaya alam ko na nasa bahay lang sya.
I turned on my phone's flashlight saka dahan-dahan na pumasok sa loob. Medyo takot ako sa dilim kaya naman laking pasasalamat ko nang mamataan si Manang Brenda sa sala.
Sinisindihan niya ang mga kandila na nakapatong sa center table.
"Manang..." Tawag ko sakanya.
"Ay mam nandyan na pala kayo," mabilis syang lumapit saakin at saka ako inalalayan sa mga gamit ko sa eskwela.
"Bakit wala pong ilaw?" Nagtataka kong tanong. May generator naman kami kaya wala dapat sanang problema kung mayroon mang blackout.
"A-ano kasi mam, may i-inayos yata ngayon dun sa linya ng kuryente" alinganin nyang sagot saakin.
"But we have generator, right?" I pointed out.
"The generator is not working, but don't worry I have it fix tomorrow" it was dad who answered me.
"Dad!" Lumapit ako sakanya para magmano. Katulad ko ay kadarating lang niya din. "My supplementary cards are not working dad" imporma ko na nagpatigil sakanya sa pagkilos.
Saglit mun syang natahimik bago ako hinarap. Pilit syang ngumiti saakin.
"I'll sort it out tomorrow, anak. Bibisita ako sa banko" Anya saka marahan na hinilot ang kanyang noo.
The stress is very evident in his face now. Tila mas lalo yatang nadagdagan ang kanyang edad sa mga araw na nagdaan.
Hindi ko maiwasang maawa sakanya. Wala akong ideya sa mga problemang kinakaharap niya ngayon, pero gusto ko na malaman niya na nandito lang ako.
"Please tell me dad, is our company not doing well? N-nalulugi na po ba ang k-kompanya?" I been thinking about it lately, pero wala lang talaga akong lakas na magtanong sakanya.
Napatigil ulit si dad at ramdam ko ang kanyang mabibigat na hininga mula sa kinatatayuan ko.
"Let's not talk about it, anak" he said, dismissing me. Tatalikuran na sana nya ako pero pinigilan ko sya.
"Dad! I need to know so I can help you!" Ramdam ko pag-agos ng mga luha mula saaking mga mata. I been so emotional these past few days. "Hindi mo naman kailangan solohin lahat eh" parang pinipiga ang puso ko dahil wala man lang akong ginagawa para makatulong sakanya at sa kompanya.
"Hindi tayo mag-uusap ngayon patungkol dito. Ang gusto ay magfocus ka sa pag-aaral mo, let me handle everything.. please, anak." Anya sa final na boses. Hindi na nya hinintay na magsalita ako ulit, iniwan na nya ako.
Agad naman akong dinaluhan ni Manang Brenda pagkaalis ni daddy. Nagpatuloy lang sa pag-agos ang aking mga luha.
I feel useless, ni hindi ko man lang matulungan si dad sa problemang kinahaharap nya sa kompanya.
BINABASA MO ANG
Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)
General FictionHighest Ranking: #1 - VarsityPlayer / #3 - Chinito