Chapter 15

4.1K 144 122
                                    


Ramdam ko ang paglapit ni Ryoma kaya agad akong napahakbang palayo pero bago paman ako tuluyang makalayo ay nasa harapan ko na ang binata.

There's a ghost smile on his face. Tila na-aamused siya saakin.  Pero hindi rin nakatakas saaking paningin ang tila galit sakanyang mga mata.

Iniangat niya ang isang kamay, touching my face. Napakislot ako pagkadantay ng mainit nitong palad saaking mukha.

"Does it hurts?" concern na tanong niya saakin. Hindi rin nakatakas saaking pandinig ang mahinang pagmumura ni Ryoma. He look pissed now. Gone the ghost smiled I saw on his face a while ago.

Umiling ako bilang sagot, kahit na ang totoo ay hindi. Ayaw kong maisipan ng binata na sobrang napakalampa ko. Ayaw ko din na mag-alala pa siya saakin.

"Tsk, you're not a good liar." bumuntong-hininga si Ryoma saka lumapit pa siya ng husto saakin kaya hindi ko maiwasang mapaatras dahil sa sobrang lapit na nya ay halos dumikit na ang aking mukha sakanyang dibdib.

Mukhang napansin naman nya ang ginawa kong pag-atras kaya hinila niya ako palapit dahilan para tuluyan akongmapasubsob sa dibdib ng binata.

Kakawala sana ako ng umangat ang dalawang balikat ni Ryoma payakap saakin. Agad na tumigil ang aking mundo dahil sa ginawa nya. Maging ang aking paghinga ay tumigil rin. Tila namanhid maging ang aking mga galos dahil ni hindi ko na maramdaman ang pagsakit ng mga iyon.

Ang tanging naririnig ko na lamang ay ang mahihinang paghinga nito.

I  closed my eyes, feeling the peace he's giving me. Hindi ko napigilan ang pag-iinit ng aking mga mata at ang mga luha na nagtatago ay kusang tumulo nalamang.

Alam ko na ang nangyari kanina ay hindi syang naging dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon. Kumikirot ang pinakailalim ng aking puso sa kaisipan na ako at si Ryoma ay hindi nababagay para sa isa't isa.

Ang realidad na iyon ay syang nagpaguho sa mga pangarap. Ang sinabi ni Amanda ay syang nagpagising saakin na hindi lahat ng tao dapat pinapangarap at hinahangaan. 

"I'll take you to the infirmary," he said as he finished wiping my tears. Walang imik na sumunod lang ako sa binata. Ang buong atensyon ko ay nakatuon lamang sa kamay nyang nakahawak saakin.

Habang pinagmamasdan ang kamay naming magkahawak ay parang gumaan bigla aking pakiramdam. Halos hindi ko na maramdaman  ang sakit sa katawan dahil lang sa kaalaman na kahawak ko ang kanyang kamay. It may sound silly but that's the truth.

Napaangat ang tingin ko pataas, pero dahil matangkad na binata si Ryoma kaya lumevel lang sa likuran niya ang aking paningin.

Sumasabay sa bawat paghakbang niya ang kanyang malalapad na balikat. Nakauniform si Ryoma ngayon na minsan ko lang makita kaya medyo nakakapanibago.

Pagkarating namin roon ay ang binata mismo ang syang gumamot saakin. Sa mga simpleng ginagawa niya ngayon ay tila bumabangon ang pag-asa saaking puso na kahit gaano man kaimposible ng isang bagay ay maaari ring mangyari at magkatotoo.

Gusto ko sana siyang kausapin habang marahan nyang ginagamot ang mga galos ko sa kaliwang balikat kaso wala akong maapuhap na salita, kaya nagkasya nalang ako na pagmasdan siya habang seryoso na gumagamot saakin.

"I hate this," Basag ni Ryoma sa katahimikan.

Maang akong napatingin sakanya dahilan para magtagpo ang aming mga paningin. Halos hindi na ako humihinga sa paraan ng pagkakatingin niya saakin.

"I hate seeing you like this," He said as he looked away. Napakagat-labi sya na tila ba may idadagdag pa.

Tumikhim ako bago bumuntong-hininga. Maging ako ay ayaw rin na makita niya ako sa ganitong kalagayan. Ni hindi ko pa nakikita ang itsura ko ngayon pero alam kong kahiya-hiya na ito lalo pa sa paningin ng binata.

"I"m sorr----"

"I want to court you. I want to protect you," Anito na syang nagpayanig sa buong sistema ko. Wala sa sariling napakurot ako saaking pisngi saka ako pumikit sa kaisipan na panaginip lang lahat ng ito, na pinaglalaruan lamang ako ng aking pandinig.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay nandun parin saaking harapan ang binata habang seryosong nakatitig saakin.

"G-gusto mo a-akong li-gawan?" Tanong ko sakanya.  Alam kong malinaw ang aking narinig pero gusto ko parin nalinawin iyon sa binata.

"Oo," inabot niya ang aking isang kamay saka iyon marahan na pinisil. "Gusto kitang ligawan dahil gusto kita. I like you so much,"

Bumuhos ang saya saaking puso dahil sa sinabi ni Ryoma. Hindi ko akalain na sakabila ng nangyari kanina ay may susunod pa pala. Hindi ko kailanman na inisip na ang isang kagaya ng binata ay magkakagusto saakin. Oo, minsan sa buhay ko ay hiniling ko iyon pero hindi ko minsan naiisip na magkatotoo ang hiling na iyon.

"Sinasagot  na kita" Walang pag-alinlangan na namutawi nalang saaking mga labi. Pero agad kong natutop ang aking bibig nang marealized ang dahilan kung bakit sumilay sa labi ng binata ang isang ngisi.

"I didn't knew na ganito lang pala kadaling manligaw. Kung alam ko lang, matagal na kitang niligawan" He said playfully. Ang kilig na aking nadarama kanina ay parang tubig na nalusaw nalang bigla at napalitan ng walang pagsidlan na hiya.

Binawi ko ang aking isang kamay mula sakanyang pagkakahawak at itinakip ko iyon saaking mukha. 

"H-hindi iyon ang ibig kong sa-sabihin." mahinang usal ko habang ang aking mukha ay nakatago saaking palad. Ramdam na ramdam ko ang aking pamumula. 

Tumawa lang sya at hindi na nagsalita pa. Akmang tatanggalin ko na sana ang aking mga kamay ng maramdaman ko ang kanyang mga bisig na yumakap saakin. Ang aking nanlambot na katawan ay biglang nanigas dahil sa paghaplos ng kanyang hininga saaking batok.

"You are my girlfriend now and I am your boyfriend. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon Shappire," bulong niya saaking tainga.




--------------------------------------------

A/N

Sorry for late update. Sobrang nabusy lang talaga sa work. Sorry for wrong typos and Thank you so much sa lahat na naglike at comments :) Hanggang sa muli. :) 







Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon