“here’s your additional order ma’am , sir”
Paglapag ko ng shaved ice sa mesa ay napansin kong ang kamay ng lalaking nakahawak sa kamay ng babae. Bale nakapatong ito sa kamay ng babae habang sinasabing mahal niyang iyon. Ng marinig naman nila ako ay kusang nagalis ang pagkakapatong ng kamay ng lalaki.
Tulad ng sabi ni Kriza ay may katandaan nga ang babae at dahil nakatalikod ang lalaki nung palapit ako sa kanila ay hindi ko nakita ang kanyang mukha. Hindi ko rin sinasadyng maistorbo ang kanilang paglalambingan pero trabaho ko ito kaya no choice.
“kriza”
Wala na sana akong balak tignan ang itsura ng lalaki dahil nakaramdam ako ng awkwardsness sa pagitan naming dalawa dahil nakita ko ang pagiging sweet niya sa babaing kasama niya.
**ang pamilyar ng boses
Kusa ko namang nilingon ang taong nag banggit ng pangalan ko. Nung nagtama ang aming mga tingin ay naandoon din ang mga ngiti niyang lagging bumubungad sa akin. Ngiting parang walang problemang nararanasan. Pag nakikita koi yon ay parang napakagaan ng buhay sa kanyang pananaw.
“Reese”
“Kriza, table 3-“
Tinignan ko pa uli siya bago tuluyang umalis sa harapan niya. Totoo kaya iyon? Pumapatol ba talaga siya sa mas matanda sa kanya? Pero tito niya si brother jun. Paniguradong hindi papayag o hahayaan ni brother jun iyong pakikipagrelasyon ni Reese sa mas matanda. Para na niya itong nanay at hindi ko inakalang ganto pala siya.
“hoy kriza! Tawag ka ni Raf, table 3 daw oh”
“ha? Ah oo sige.”
Natapos ang buong shift ko sa shop at hindi pa rin matanggal sa aking isipan ang bagay na iyon
**si reese? Bakit?
“hoy! Kanina ka pa ah”
“ha?”
“ayan oh! Parang wala sa sarili ito oh”
“eh kasi, naalala mo iyong crush mo kanina sa shop? Yung sabi mo gwapo?”
“ah iyon? Hahaha oo, narealize mo na ba na gwapo iyon hahaha”
“baliw hahaha.”
“oh ano na? ano meron dun?”
“ah kasi pinaghatid ako ni Sir Raf ng additional order sa table nila tapos nakita ko pa na magkaholding hands sila ng ilapag ko ang lemonade shaved ice”
“hahaha oo, sayang nga kagwapuhan nun ni kuya eh haha. Napansin ko din iyon kanina eh, kaya hindi sila bagay hahaha”
“tss, baliw ka talaga”
“Tapos lam mo, narinig ko din kanina yung babae tinawag niyang baby si gwapong kuya”
“hays! Tama na nga huwag na natin pagusapan yun”
“eh ikaw naman nagsimula eh haha. Teka bakit parang naintriga ka dun sa lalaki? Tapos tinaguan mo pa kanina”
“ha? Hindi ah. Oh sya sige na uwi na ko. Bye sir Raf”
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Anna, nagpaalam naman na ko kay Sir Raf at lumabas na sa shop
“sht”
“uy ayos ka lang?”
Hinampas ko naman agad si Reese ng makita ko siya. Grabe ang gulat ko, may kadiliman na din kasi dahil sa likod ng shop ako lumabas at hindi ko inaasahang magkakaroon ng tao rito dahil bukod sa storge room ito ay nandito din ang mga basura.
BINABASA MO ANG
forever still exist
Teen Fictionwho still believe in forever? Is there forever after all?
