19

7 1 0
                                    


Matapos ang ilan pang mga kulitan namin sa bus ni ian ay pinara na agad niya ang bus.

Little Angels? Anong lugar ito?

Mula sa labas ay tanaw na para lang itong simpleng bahay na may kalakihan.

Bakit naman niya dito naisipang pumunta?

“tara?”

“ha?”

Nginitian na nya lang ako at pumasok na kami sa loob. Lumiko agad ng daan si Ian at tinahak ang daang patungo sa likod ng bahay. Nakita ko ang napakaraming bata na masayang naglalaro sa kapwa bata.

“pwede ba kong sumali?”

Napatingin naman ako kay ian ng sabihin niya iyon na siyang ikinatigil ng mga bata.

Pagkalingon nila kay ian ay hindi na agad matanggal ang mga ngiti sa labi nila at mas lumapad pa ang mga ito.

“KUYAAAAAAAAAAA”

Nagsilapitan ang mga bata kay ian at niyakap ang mga ito.

Nagtaka lang ako dahil ilan sa mga batang ito ay naka mask o di kaya ay naka wheel chair.

“kuya, sino siya? Girlfriend mo po?”

“hahaha ikaw talaga, ang bata bata mo pa eh. Asan sila Dr. Lance at Dr. Kat?”

“andun po kay Angel. Nasakit na naman po kasi ang ulo niya”

Mangiyak ngiyak na sagot nung bata kay Ian, ng tignan ko naman si Ian ay hindi ko maipaliwang ang nakita ko.

“Nurse Jin, ikaw na po muna bahala sa kanila puntahan ko lang sila Doc.”

“sige na”

Lumapit naman si Nurse Jin sa ibang mga bata at nginitian din niya ko bago ihabilin ang ibang bata sa mga nurses.

Nagtatrabaho din pala ang university school nurse dito? Pero bakit ang weired?

Sinabihan naman ako ni Ian na magstay muna dito pero hindi ko siya sinunod. Nilibot ko ang loob ng Little Angels at mas marami pa kong nakitang nurse na dali dali tumatakbo papunta sa isang pinto. Sinundan ko sila at nakita ko si Ian na nanlulumo sa gilid ng nakabukas na pinto.

“ian”

“dr. lance”

“wala na si Angel”

Hindi na napigilan nung Dr. Lance at pagiyak at ganun din si Ian. Halos maestatwa lang ako sa kinatatayuan ko.

Maya maya lang ay pumasok na si ian at yung doctor sa loob, sumunod ako at hindi ko inaasahan ang nakita ko.

Isang batang nasa 5 o 6 na taong gulang ang nakaratay sa kama sa habang patuloy ang pagtunog ng apparato na nagsasabilang flat line na ang buhay ng bata.

Napakaraming nakalagay sa kanyang katawan bukod pa ang swero at ang oxygen.

Napahawak na lang ako sa aking bibig at pilit na pinipigilan ang aking mga hikbi. Awang awa ako sa bata pero mas nakakaawa ang babaing doctor na halos ayaw bitawan ang kamay ng bata.

“Kriza, anong ginagawa mo dito?” sita sa akin ni nurse jin na siyang ikinalingon nila Ian at ng dalawang doctor.

“pasensya na po”

“tara na” Si ian. Bagamat basag na ang kanyang boses ay pilit pa din siyang nagpapakatatag.

Lumabas na nga kami ni Ian ng little Angels at nagintay ng bus. Sumakay agad kami ng huminto ang bus sa tapat namin. Puno ng katahimikan ang byahe namin ngayon, ibang iba sa byahe namin papunta sa Little Angels.

forever still existTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon