At dahil nga nakajeep lang kami ang kaninang maluwag na upuan ay unti unting sumisikip, parang puso ko!!!! Kinukombulsyon na naman.
"Urong nga. Ginigitgit mo na ko eh"
"Kaye, jeep to"
"Shhhh! Magsitigil nga kayong dalawa. Naguumpisa na naman kayo ah."
Magkatapat lang kasi kami ng upuan nila Karel kaya naririnig nya ang iringan namin ni Reese.
Tumahimik na lang ako habang nasa byahe napansin ko naman sila Karel at Ian. Nakaupo si Ian malapit sa babaan at si Karel ay katabi nya, nakaakbay ito na animoy pinoprotektahan si Karel sa katabi nitong lalaki.
Hindi ko alam kung kainggit inggit ba iyon o ano, pano ba naman kulang na lang lumabas ang puso ko dahil sa ginagawa ni Reese.
Ng minsan kasi napadaan sa bakubako ang jeep ay halos mauntog ako.
"Ayos ka lang?"
"Oo! Wag mo na ko hawakan"
"Sungit, magingat ka kasi"
"Tss"
Tinabig ko tuloy ang kamay nya na humahaplos sa ulo ko. Wala na kong pakialam kung mabastos sya sa ginawa ko pero kasi nagiinit na naman yung mukha ko at hindi ko alam kung bakit nagkakaganito lagi ako pag kasama ko siya.
May kakaibang epekto talaga ang lalaking ito sa akin kaya hanggat maari ay dapat iwasan.
Ng marating namin ang aming bahay nagpaalam na si Karel
"Bye Karel. Text na lang kita" Ian
"Sige ingat" Karel
"Bye Kriza" Ian
Tumango lang ako at hinarap si Reese, iniintay ko kasi kung magpapaalam ito sa amin.
"Oh ikaw? Ano plano mo? Wala ka bang balak umuwi?"
"Wala. Ge una na ko"
Tumalikod na kami ni Karel at maglalakad na papasok sa bahay.
"REESE!!!"
Bwiset talaga! Ano ba trip nito?
Sinigawan ko si Reese dahil ang akala ko'y papauwi na siya ngunit papasok siya sa bahay namin
"Ano?"
"Anong ano?! Bakit sa bahay ka namin papasok?!"
"Eh kasi sabi ni tita dito daw ako magdinner"
"At kailan ka pa nila niyaya?"
Bigla namang lumabas si Nanay at inaya na kami papasok para kumain at dahil nakakain na kami kanina tumanggi na kami ni Karel pero si Reese, ayun, sumabay pa din sa pagkain.
"Karel, asan na yung damit mo? Akin na at ng labhan"
"Ha? Wag na no. Ako na maglalaba?"
"Bakit marunong ka ba?"
Napangiwi na lang si Karel sa tanong ko. Ang isang Karel, maglalaba? Impossible. Prinsesa kaya yan sa bahay nila haha.
"Hindi kaya turuan mo na lang ako"
"Mahihirapan akong ituro sayo kaya ako na. Samahan mo na lang ako sa baba"
"Okie!"
"Oh nak, karel ihatid nyo muna si Reese sa labas" Nanay

BINABASA MO ANG
forever still exist
Teen Fictionwho still believe in forever? Is there forever after all?