waaaaa ang ganda. Sobra. Ang tataas ng inaabot nila at ang iba ay makulay pa.
Nakahilera kami sa may baywalk at nakatingala sa langit. Lahat kami ay namamangha sa kakaibiang gandang hatid ng mga paputok. Para kaming nahipnotismo sa mga fireworks at halos hindi naman pasinin ang isa’t isa.
Nakaupo sa pinakadulo si jm sunod ay si vin tapos ako, si karel at si ian. Napakalakas ng pagsabog ng mga paputok pero naputol ang pagtitig ko sa mga iyon ng biglang mapalingon ako sa gawi nila karel at hindi ko inaasahang nakatingin din pala si ian sa akin na halos magkagulatan kami pareho dahil nagtama ang aming mga mata.
**dug dug
Agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin at ganun din ako. Napahawak naman ako sa aking dibdib na halos mas mabingi ako sa lakas ng kabog nito parang tinalo pa nito ang paputok at puro kabog ng puso ko na lang ang maririnig ko.
ano ba tong nangyayari? Ang weird
“waaaaaaaaaaaaaa. Uuwi na agad tayo, parang kalian ko lang kayo nakasama ah”
At heto na naman po si jm, nagiinarte na naman haha. Baka naman hindi talaga kami ang namimiss niya eh kung hindi si vin hahaha.
“bakla ka ang arte mo! Hahaha. Si vin lang naman ang gusto mo pa makasama ng matagal eh hahaha”
Napakalas talagang mang asar nitong si karel at syempre ako ang supporter dahil panay ang tawa ko pag babanat si karel.
“hahahaha”
“che! Kayong mga babae kayo! Ang bad niyo sa akin”
Nagpout naman si jm sabay kapit uli sa braso ni vin na mas ikinatawa ko pa at sa pagtawa kong iyon ay bigla ko na namang nilingon si Ian
**dug dug
Mas gwapo talaga siya pag nakangiti. Mas madalas ko kasi siyang makitang seryoso dahil napakasipag na estudyante na lahat na ata ng orgs. na pwedeng pasukan eh pinasok na niya
Nilingon naman niya ko at napaiwas ako ng tingin, animoy inosente ako at hindi ko siya tinignan kahit ilang Segundo lang. agad ko naman iniling ang ulo ko baka sakaling mabura ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko.
hay! Nakakabaliw na talaga to.
“kanina ka pa tsansing ah!”
Tinanggal naman ni vin ang kamay ni jm at nagtago na naman sa akin. Hahaha para talagang bata to eh haha. Nilingon ko uli si ian at parang nagiba ang light na mood niya kanina, parang nagging uneasy and uncomfortable.
hay! Wag ka magconclude!!!
“arte! Osya tara na at umuwi!!! Una na ko since ako lang naman ang single haha. Babush mga bakla”
“bye jm”
“ingat”
“papa vin, hindi mo man lang ba ko hahatid? Hahaha”
Napatawa na naman kami sa arte ni jm
“HINDI! HAHAHA”
Ngumuso pa si jm at nauna ng maglakad sa gawi ng mga taxi. Mayaman kasi eh haha. Naiwan naman kami nila karel. Nakatingin pa din ako kay jm ng marinig kong magsalita si karel.
“uhm ian. Saan ang way mo?”
Nakita ko naman sa pheripheral vision ko ang pagturo ni ian sa gawing kanan kung saan natanaw ko ang mga van.

BINABASA MO ANG
forever still exist
Novela Juvenilwho still believe in forever? Is there forever after all?