24

10 0 0
                                        

"Bakit dito tayo?"

"Oh ano ngayon?"

Hinampas ko naman ng pagkalakas lakas ang braso ni Vin.

"Jusko ka! Tignan mo nga itsura ko! Akala ko naman dun lang tayo kakain sa kanto"

"Birthday ko nga di ba? Sagot ko"

"Sana man lang sinabihan mo kong maging disente. Tignan mo nga itsura ko sa mga tao sa loob!"

"Ganyan ka na pala ngayon"

Mapangasar na sabi ni Vin habang hawak hawak nito ang kaniyang baba at tumatango ng marahan.

"Ano?"

"Kailangan mo bang makibagay sa iba? Kailangan bang maging iba ka para masabing bagay ka na sa mga naandoon?"

Nabigla naman ako sa sinabi niya. Kanina lang ay akala ko nangaasar suya dahil sa tono niya.

"Hindi naman iyon ang punto ko."

"Basta dito na tayo. Pinagipunan ko kaya to"

Pumasok na kami at binigyan kami ng waiter ng mauupuan at binigay na din ang menu.

"T-bone steak for two and a bottle of red wine please"

"Do you prefer any brand Sir?"

"Aww"

Sinipa ko naman si Vin sa ilalim ng mesa na siyang ikinagulat pati na din ng waiter.

Baliw ba siya? Baka hindi na kami makauwi nito. Ang mahal ng inorder eh

"Paki-cancel na lang po order niya. Eto na lang po chef's choice, dalawa at dalawa din pong fresh lemonade"

"Would you like to add some dessert? Ma'am, Sir?"

"Chocolate truffle and Vanilla ice cream"

Sagot naman ni Vin sa waiter. Nakakaasar talaga to. Tuwing may sinasabi si Vin na order ay awtomatikong hinahanap ng mata ko ang presyo.

Umalis na ang waiter at dito na ko humarap kay Vin.

"Baliw ka ba! Pano kung magshort tayo sa mga pinagoorder mo?"

"May ipon nga ako. Nakalaan nga iyon dito"

"Pero hindi ibig sabihin noon ay uubusin mo lahat para dito"

"Tsk. Ang hirap talaga makipagtalo sa babaeng to"

"Hoy ano binubulong bulong mo diyan"

"Wala-"

"Kaye"

Hinanap ko naman agad ang pinanggagalingan ng boses na iyon. Alam kong siya iyon dahil boses pa lang niya ay kilala ko na ngunit gusto kong makasiguro.

"Hindi mo sinabing si Vin pala ang gusto mong kasabay"

Agad naman nagpanting ang tenga ko sa aking narinig

Ha! At ako pa ngayon ah! Siya lang naman tong hindi pumasok ng ilang araw at pagkapasok niya ay nakikipagtawanan pa siya dun sa babae tsk.

Pinili ko na lang huminga ng malalim at pakalmahin ang sarili. Wala kami sa tamang lugar para magbangayan.

"Hey Reese"

Pinapakalma ko nga sarili ko di ba! Makisama naman kayo!

Ng marinig ko ang boses ng isang malanding babae na animoy inaakit si Reese ay napatayo agad ako na siyang ikinagulat ni Vin pero pag lingon ko sa kanya ay tatawa tawa lang ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

forever still existTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon