“ang pagkain hindi tinititigan, kinakain”
Umupo naman si reese sa may harapan ko at parang inaasar pa ko dahil sa ginawang kong pagtitig sa mga pagkaing nakahain sa harapan ko. Ganoon nga siguro talaga pag gutom ka, lahat ng pagkain ay kakainin mo na.
Ngumiti naman ako sandali sa naisip ko at nagsimula na din kumain. Aarte pa ba ko eh libre hahaha.
“ate, una na ko. May group project pa kong kailngan ayusin eh tsaka nakakain na ko kanina. Oh pano kuya? Ikaw na muna bahala sa ate ko ah. Babye”
Hindi na ko nakapagreact dahil tuloy tuloy ang pananalita ni Karla at mukhang nagmamadali nga dahil maya’t maya siya tumitingin sa orasan niya.
Tumango na lang ako bilang sagot at pagkaalis ni karla ay higit pa sa katahimikin ang naranasan ko. Halos pagnguya ko lang ang naririnig ko.
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay napapansin kong halos ako lang ang umuubos ng pagkain binili ni Reese. Gusto ko sana siyang tanungin bakit hindi siya kumukuha sa pagkain binili niya kaya lang naunahan niya kong basagin ang katahimkan sa pagitan namin.
“sa susunod huwag ka ng papasok kung may sinat ka na pala”
Natigil ang paglapit ko ng kutsara na puno ng kanin papunta sa aking bibig at napatikom uli ang nakaabang ko ng bibig sa paparating na pagsubo ng pagkain.
“kaya ko naman eh”
“puro ka ‘kaya ko naman eh’ pero ang totoo kilos mo na mismo ang bumibigay”
“natyetyempuhan mo lang siguro”
“hindi lahat ng bagay kaya mo, napapagod ka din”
“hay! Oo na! kumain ka na nga lang”
“may shift ka pa ba sa coffee shop? Huwag ka na pumasok ah”
“ano?-“
“eh pano kung mawalan ka uli ng malay dun? Ganoon din, hindi ka rin makakatulong sa kanila, magiging pabigat ka lang. gusto mo ba yun?”
*pabigat? Siguro nga ganoon ako ngayon. Hay! Kaya ayaw kong nalalaman nila na may sakit ako eh. Panigurado nagaalala na naman sila nanay at tatay. Pabigat nga siguro ako, panganay pa man din ako tapos hindi pa ko makatulong sa ibang paraan
“kaye”
Naiangat ko naman ang aking ulo para harapin si Reese.
Inaamin ko medyo nasaktan ako pero alam kong tama siya. Gustuhin ko man pumasok para magkasweldo sa araw na ito ay hindi ko magagawa dahil magiging pabigat nga ako sa coffee shop.
“ayos lang. tama ka naman eh”
“hindi yun yung gusto kong sabihin”
“salamat sa libre ah. Next ako naman manlilibre sayo”
Tumayo na ko at kinuha ang gamit. Hindi na muna ako papasok sa coffee shop.
Nagsimula na kong maglakad at kinuha ang cellphone kong wala na sa uso.
*anna, pasabi naman kay sir raf pass muna ako. ngayong araw lang naman medyo hindi kasi mabuti ang pakiramdam ko. Salamt ah*
Sinend ko na kay anna ang text ko ayaw ko pang umuwi pero saan naman ako tatambay? Bukod sa school, coffee shop, tindahan at bahay na kadalasan kong paglaanan ng oras ay wala. Habang naglalakad ako ay napadpad ako sa entrance ng university gym.
Inter-school competition nga pala pero teka, simula na ba agad? Parang hindi pa kami nagpapractice kay coach dale ah.
Pumasok na ko sa loob ng gym medyo maingay pero wala namang pormal na laban ng basketball dahil wala man lang akong nakitang referees at announcers. Friendly game lang siguro ito.
BINABASA MO ANG
forever still exist
Novela Juvenilwho still believe in forever? Is there forever after all?
