Kinabukasan
Matiwasay na natapos ang aking klase at tulad ng napagusapan ay nakita ko sila brother jun at reese at sa may labas ng aking eskwelehan.
“magandang umaga po brother jun”
Masayang batik o kay brother jun per okay reese ay hindi ko magawang bumati dahil ang pagharap ko pa lang sa kanya ay hindi ko na din magawa.
“tara po, may isang oras po akong vacant at masasamahan ko po kayo sa admission office. Dito po tayo”
Nauuna akong maglakad para gabayan sila sa daan at hindi pa man din kami nakakakalahati patungo sa admission office ng masalabong namin si ian sa hallway. Katabi ko si reese ngayon habang naglalakad at si ian naman ay makaksalubong naming. Habang papalapit ng papalapit ang pagsasalubong naming ni ian ay parang unti unti akong inaagawan ng hininga.
**ano bang nagyayari sa akin?!
**”ibang lalaki na naman. Tsk!”
Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko o nangangarap lang ako. Dahil nung oras ng magtama kami ni ian ay parang narinig kong binitiwan niya ang mga salitang iyon. Iniling ko ang aking ulo sa lakas na halos matanggal na ito
“okay ka lang?”
“ha?”
Mas lalo pang kumabog ang puso ko at halos mabaliw ako sa kaba na nararamandaman ko. Bakit ba ganito ang nangyayai sa akin ngayon, parang… ARGH!
“ah o-oo! Tara malapit na tayo oh”
Sagot ko naman kay reese. Pinipilit kong bumaliksa katinuan pero ewan ko ba unti unti ata akong hinihila ng kahibangan ko. Ang saklap talaga naman!
Kaunting lakaran pa ay nakarating na kami sa admission office. Nakipagusap si brother jun sa head ng admission para sa pagpasok ni Reese. Naiwan tuloy kami ni reese sa waiting area at pumasok naman si brother jun sa office.
Tahimik lang kaming dalawa at wala akong balak kausapin siya. Nahihiya talaga ako sa hindi malamang dahilan at hindi ako ganung kakumportable kapag siya ay malapit lang sa akin, lalo pa at katabi ko siya. Haaayyy
“anong year ka na?”
“ha?”
“lagi na lang ba yan ang isasagot mo tuwing tatanungin kita?”
“ha? Ah eh”
Napakamot naman ako sa ulo ko. Ang totoo ay hindi ko inaasahang kakausapin niya ko kaya hindi alam ang isasagot ko sa kanya. Naglalakbay kasi ang utak ko at malayong malayo iyon sa katawan ko ngayon. Iba talaga epkto niya sa akin.
“hindi ka tulad ni karla”
“ha?”
“hahaha. Ha ba ang pangalan mo? Hahaha”
“huwag ka ngang ngumuso, ang cute mo lalo eh hahaha”
Namula naman daw ako at naiyuko ko naman ang ulo ko. Ngayon, mas hindi na ko kumportable pag kausap ko siya.
“let’s start again. I’m Reese. Reese Lacsamana. Ikaw?”
Nahihiya naman akong lumingon sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay pinagtitripan ako nito pero pagharap ko sa kanya ay seryoso naman siya sa kanyang pagpapakilala. Nakalahad din ang kamay niya sa akin animo’y nikikipagkamay. Nahihiya naman akong ngumiti at tinaggap ang kamay niya.
“kriza Jimenez”
Ngumiti naman siya at kahit papaano ay nagiging light ang atmosphere namin.
“anong year mo na?”
“third year na. custom ad. Student ikaw?”
“kung papalaring makapasok kahit mejo late na eh second year na ko hahaha”
BINABASA MO ANG
forever still exist
Novela Juvenilwho still believe in forever? Is there forever after all?