Patuloy lang ang pangaasar nila Karla at ken sa akin. Si vin naman ay dumerecho kay nanay para sabihin ang order niya para bukas.
“tumigil na kayo, alam nyo naman na wala pa yan sa plano ko”
At kahit kalian yata ay hindi magiging parte ng plano ko. Sana lang talaga wag kong kainin ang mga salitang sinasabi ko.
“tara?”
"Sige na kuya vin ihatid mo na ang ate namin sa school haha yieee ingat haha"
"Hahaha. Sige karla, iingatan ko ate mo"
"Naks naman kuya! Dumadamoves haha"
"Hoy ken! Tumigil ka na haha"
Tumango naman ako kay vin hudyat ng pagyaya sa pagalis namin at napagdesisyununan na lang naming ang maglakad. Wala din naman kasing kaso sakin kung umabot o hindi ako sa try out. Mas okay na yung makatipid tsaka sila JM lang naman ang nagpumilit eh.
“ah, pasensya ka na kay Vicky kanina ah. Alam mo naman yun”
“hahaha eh di pasensya din pala kala Karla at Ken kanina? Haha”
"Hahaha. Ayos lang naman yun sakin ewan ko lang sayo haha"
"Oy grabe ka ah haha, ayos lang din wala lang sakin yun eh haha"
"Oo nga. Wala nga"
Sumeryoso agad ang mukha niya pagkasabi nya nun at nung marealize nyang nakatinginin ako saknya eh Nagtawanan lang kami dahil pareho kaming inaasar sa isa’t isa pero wala pa kami sa puntong ganun. Sadyang magkaibigan lang kami at kahit feeling ko ay may gusto siya sa akin mahirap pa rin magassume lalo na at hindi niya pa ito sinasabi mismo sa harap ko.
“buti hindi ka na busy ngayon?”
Tanong ko kay Vin ng magsimula kaming maglakad. Medyo close kami ni Vin dahil nga madalas din ako sa computer shop nila. Duon ko kasi laging ginagawa ang mga entries ko para sa school paper kahit nung high school pa ako.
“graduating na kaya ako. Haha. Kaya ayun mejo nakakaluwag na, puro requiremtns na lang ang pinaggagagawa ko haha”
“buti ka pa”
Malungkot na sabi ko sa kanya dahilan ng pagbaba ng mga balikat ko. Gusto ko na kasi talagang maka-graduate. Gusto ko ng kumita para sa pamilya ko. Meron nga akong part time job pero hindi ko rin naman maiabot ang sahod ko kala nanay dahil kulang pa yun sa pang gastos ko sa school kasama na ang baon ko.
Naiakbay naman ni Vin ang kanyang kamay sa aking balikat. Tila pinapalakas ang loob ko.
“ano ka ba! Isang taon na lang oh.”
“mahaba pa din yun. 365 na gising pa din yun”
Humaba naman ang nguso ko sa naiisip ko. Ang tagal pa pala talaga. Huhuhu. Wala na bang ibibilis yun? Tapos hindi pa man din ako nakakatapos sa 3rd year dahil nasa first sem pa lang. haaaaaaaaay mahaba pa talaga. Samantalang siya graduate na sa next year.
“oy ah walang kalimutan! Ililibre mo ko sa first pay check mo haha”
“oo ba! Basta sa carinderia nyo tayo kakain hahaha”
Hinamapas ko naman ang braso nya dahilan para maalis ang akbay niya sa akin at mapalayo siya ng kaunti sa akin.
“hay nako! Ang kuripot mo talaga hahaha”
Inakbayan nya uli ako at inilapit ang mukha nya sa may tenga ko sabay bulong...
"Iniipon ko ang pera ko para sa future girlfriend ko"
BINABASA MO ANG
forever still exist
Teen Fictionwho still believe in forever? Is there forever after all?