20

9 1 0
                                        


Niyakap ko agad si karel kahit hindi ko alam Kung anong nangyari sa kanya. para siyang basang sisiw dahil ang kanyang floral dress ay puno ng green slime pero kahit ganoon ang lagay nya ay niyakap pa din namin siya ni JM.

“Sinong may gawa nyan sayo ha?”

“JM, huhuhu”

“Oo nga. Sino may gawa nyan?”

“Edi yung mga gold diggers kong Echuserang kaibigan. Teka, hindi ba kayo galit sakin?”

Naluluha naman si karel ng itanong nya sa amin yun ni jm pero nagkatinginan lang kami ni JM at tumawa.

“Ikaw lang naman tong umiiwas e hahaha”

“Kriza?”

“Halika ka nga dito, payakap! Haha”

Dahil sa simpleng ganun nagaway kami pero simple lang din para magbati kami. Hays, namiss ko ng sobra si Karel.

Tumayo na ko at kinuha si karel ng extra kong damit. Nagpalit naman siya sa rest room habang ako ay nagtimpla ng kape naming tatlo. Maaga pa para sa shift ko sa cafe kaya nakakapagkwentuhan pa kami nila bakla at karel. Speaking of bakla, ayun nakaupo sa couch hindi man lang ako tulungan. Hmp.

Ng matapos ako sa pagtitimpla kumuha na din ako ng snacks. Libre kasi ito ni JM kaya lubusin na hahahaha biro lang.

“Bakla ka! Ang tagal mo magtimpla ah!”

“Wow ah! Hiya naman ako sa paGtulong mo hahaha”

“Oy libre ko yan wag ka! Hahaha. Ay bakla, di kita makikilala sa suot mo hahaha”

Sabay lingon ni JM kay Karel na nakasuot ng damit ko At dun ko nga napansin na hindi bagay sa kanya ang damit ko hahaha.

“Pagtyagaan mo na muna yan karel ah alam mo naman hindi ako nagbebestida”

“Sus. Ayos lang no kesa naman maging sisiw ako hahaha”

“Guys! Ian’s in trouble!”

Natigil ang masayang kwentuhan namin ng marinig namin ang balitang hatid ng ka schoolmate namin sa ibang mga estudyante mula sa engineering department

Dali dali kaming tumakbo at sumunod sa agos ng tao. Nakita namin sa quadrangle si Ian na nasuntok ng isang lalaki tumayo agad ito at nakasuntok din pabalik.

“Ian!” Tumakbo naman si Karel palapit kay ian at humarang sa away.

“What the hell Xander! Stop it!”

“Oh andito na pala ang prinsesa. How’s the slime? You clean up agad Sayang di man lang kita napicturan haha”

Si trisha and her company. Wala talagang magandang dulot ang babaeng ito.

Napayuko naman si Karel at Si JM ay bigla na lang nawala sa tabi ko nakita ko na lang sya na binigyan si trisha ng isang malakas na sampal. Nagulat naman ang mga alipores nito at umatras, natakot sigurong masampal din ni JM.

Yung Xander naman ay hinarap si JM susuntukin na dapat ito ngunit naunhan na ni Ian. dali dali naman kaming tumakbo dahil pumito ang guard paniguradong detention ang abot namin pag nahuli kami nun.

Sa pag takbo namin ay napadpad kaming apat sa rooftop.

“HOOOOOO! Ang beauty ko muntik ng masira!!!”

“Hahaha bakla ka talaga! Di ka naman nasapak e”

“Aba kriza jimenez parang gusto mo pa ko masapak ah”

“Hahahaha”

Sa kabilang banda ay nakita namin si Karel at Ian na nakaupo sa bench.

“Thank you but you don't really have to do that”

forever still existTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon