4

73 24 19
                                    

August 7 2***

TGIF! TGIF! TGIF!

pag gising na pag gising ko pa lang ay wala ng tigil ang utak ko sa pagsigaw ng TGIF! THANK GOD ITS FRIDAY!!!! WOOOOOO

bukas pahinga sa trabaho sa coffee shop pati na din sa pagaaral. Matututukan ko muna ang carinderia. Haaayyyyy. Buti na lang at day off ko sa shop bukas yeheyyyyyy

Hindi pa man din natatapos ang friday na to eh saturday na agad ang iniisip ko hahaha.

Matapos ang daily routine ay pumasok na ko sa university. Nag jeep na rin ako at hindi ko inaasahang may makikita akong couple.

Bakit ganun? Mataba din naman yung babae pero may boyfriend? Bat ako wala?

Napailing naman agad ako sa naiisip ko.

jusko! San ko ba napulot yung mga pinagiiisip ko?

"Araaaayy"

Sa sobrang pagkailing ko dahil sa magjowang nasa harapan ko na kung umasta ay forever na sila kahit wala naman eh nadali tuloy ako sa jeep.

Nasa dulo kasi ako, dun sa may pinto ng jeep malay ko bang mauumpog ako. Ang masaklap pa e tinawanan ako ng magjowa

Akala nyo may forever? Huh! WALANG POREBER!

ngingiti ngiti naman akong pumara at bumaba sa jeep. Hahaha mga iniisip ko talaga pang out of the world e hahaha.

"dearth! Wow! New shoes and bag? Ano meron?"

"hoy mister kung sino ka man hindi ako nakikishare ng payong kaya alis!"

Pagbaba ko kasi ng jeep ay binuksan ko ang payong ko dahil mejo mainit at etong lalaking may pagkamakapal ang mukha ay nakishare sa payong ko

Maka mister at lalaki naman ako parang di ko kilala ah! Well si ian lang naman yung tinutukoy ko. Highblood pa din ako sa kanya kaya wag sya manggulo!

"ang aga aga ang init ng ulo ah"

"at ang aga aga din para sa pang bubwiset! TABI NGA!"

Nakakaimbyerna talaga yun. Di porket may slight crush ako sa kanya eh pwede na nya kong tawaging dearth!

Sumali kasi ako sa school paper at isa akong writer. Confidential ang mga writers na nandun. Never kaming nagkakaron ng meetings lahat nangyayare through emails.

Tulad bukas, saturday, pasahan ng mga articles. Dalawang section pa naman ang hawak ko. Literary at news. Grabe!

Ang totoo, editor in chief lang ang nakakaalam sa true identity ng bawat author na sumasali sa school pa-

Hala! Editor in chief sya?

Napa face palm naman ako ng wala sa oras.

forever still existTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon