12

54 22 11
                                    

Dahil sa pagkapahiya ko ay natahimik na lang ako. Nakarating naman kami sa bahay nila brother jun at nagsalu salo sa hapag kainan

"Kriza"

Tawag sa akin ni brother jun dahilan para huminto ako sa aking pagkain

"Po?"

"Ipapasok ko kasi si Reese sa eskwelahan mo, maari mo ba kaming samahan?"

"Oo naman po. Kaya lang po brother jun patapos na po ang first semester."

"Naku okay lang yun, Second year 2nd sem kasi siya tumigil kaya ireresume nya lang ang 2nd sem. Tama ba reese?"

"Tito wag nyo naman ipaalam sa kanila lahat, nahihiya tuloy ako eh"

"Hahaha ikaw talaga. Oh pano kriza?"

"Sige po samahan ko po kayo bukas para magasikaso ng papers"

"Ibig sabihin second year ka pa lang pagpasok reese?"

Nagulat naman ako ng magtanong si tatay kay reese. Kahit medyo pribado ang paksang iyon ay inaasahan ko pa din ang sagot nya

"Hindi kaya ng-"

"Ah hindi po kaya ng utak ko eh hahaha"

Ng magsalita si brother jun para sagutin ang tanong ni tatay para kay reese ay hibdi nya ito pinatapos at siya ang sumugot kay tatay

Hindi kaya ng utak? Wala namang bobo eh, tamad meron, baka yun siya? Di kaya?

Eh pakialam ko ba?!

"Hindi po kasi ako magaling sa school eh kaya po maraming bagsak haha"

"Ah ganoon ba, gusto mong magpatulong kala Karla? Tutal naman ay papasok ka na din at si karla ang makakasabay mo dahil second year din sya"

"Ahh hindi na po. promise ko po kay tito jun na pagbubutihin ko na po eh haha"

"Aba eh maganda yan haha"

Nagkasiyahan naman sa lamesa at medyo nawiweirduhan ako sa ikinikilos ni reese dahil nung sabihin nyang mahina ang utak nya ay halos magulat ang itsura ni brother jun

Bakit parang hindi naniniwala si brother jun? Ang mysteryoso naman ng reese na to.

Ng matapos ang pagkain namin ay nagsialisan na kami sa lamesa at nagpunta ng sala.

Nagkwekwentuhan pa rin sila nanay, tatay at brother jun. Si ken naman ay halatang inip na inip na dahil nakakatitig na lang siya kala nanay habang nakabusangot ang mukha.

Bukas naman ang tv nila brother jun at isang magandang palabas pa ang pinapanuod ko pero hindi gusto iyon ni ken dahil hilig nya ang mga superhero movies.

The best of me

Pinapaiyak talaga ako nito tuwing mapapanuod ko. Bakit kasi ganun ang pag ibig? Nakakabaliw pero walang kasiguraduhan. Maraming nangangarap pero hindi lahat nagtatagumpay.

Habang naglalakbay ang utak ko ay sumabay din ang pagikot ng mata ko. Duon ko lang napansing wala pala si karla dito sa sala. Tumayo naman ako at bumalik sa Kusina.

"Hahahaha nakakatawa ka kuya haha"

Hindi ko pa man din sila nakikita naririnig ko na agad ang malakas na tawa ni karla. Sinilip ko naman agad sila at nakita kong naghuhugas si reese ng mga plato at si karla naman ang nagpupunas nito.

forever still existTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon