15

51 20 16
                                    

"Grabe! Ang sarap ng luto ni tita mara ah. Ikaw ba?"

"Ano ako?"

Walang choice eh. Kaya ang ending, kasabay ko kumain si reese dito sa bahay namin. Nakakahiya din naman kung tatangihan nya pa sila nanay at tatay gayong siya ang inanyayahan.

At kanina pa din sya ganyan. Kada subo ay sasabihing masarap ang luto ni nanay.

"Marunong ka din magluto?"

"Ano sa tingin mo?"

"Kanina ka pa ah!"

"Ano na naman!"

"Ayan. Ayan oh! Grabe ka talaga magsungit. Yaan mo minsan itatanong ko kay tita mara kung saan ka niya ipinaglihi hahaha"

"Ewan! Bilisan mo na kumain dyan at aalis pa ko"

Napapansin ko din ang sarili ko. Ewan ko ba?! Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin. Napakabipolar ko pag kasama ko tong lalaking to at hindi ko rin alam ang dahilan.

"Saan ka naman pupunta?"

"Wala ka na dun!"

"Tss, sungit!"

"Alam mo nakakainis ka na ah! Puro ka na lang sungit eh"

"Eh totoo naman eh"

"Osya alis na"

Sabi ko pagkababa nya ng kubyertos at pagkasubo ng huling pagkain sa plato nya.

"Kaye!"

Kukunin ko na sana ang pinggan nya ng marinig ko ang boses ni nanay

"Nay"

"Ano ka ba namang bata ka, nakain pa si reese oh wag mong madiliin"

"Eh kas-"

"Oo nga tita, alam nyo kanina pa po yan, pinaglihi nyo ata sa sama ng loob hahaha"

Pinutol naman ni reese ang sasabihin ko at tinuon ang pansin kay nanay

Si nanay naman ay lumapit sa bandang tenga ni reese na akala mo ay may binubulong

PERO RINIG KO EH! RINIG NA RINIG! PINARINIG KASI KAYA HINDI BULONG IYON -.-

"Naku ikaw talaga hahaha. Pag pasensyahan mo na at parang araw araw ay may dalaw iyan hahaha"

"NAY!"

"HAHAHAHA"

sabay naman nagtawanan si reese at si nanay. Para tuloy akong batang binubuyo ng mga ito

"mukhang nagkakasiyahan kayo ah"

Pumasok naman si tatay sa kusina at doon ay nakakita ako ng kakampi

"Tay! Ayan po si nanay at si reese punagtutulungan ako"

"HAHAHAHAHA"

"HAHAHAHAHA"

Lalo pa kong naiinis dahil wala pa rin silang tigil sa pagtawa. Mukhang magkasundo na talaga sila ah pero ako yung anak nyo eh

"Nako, wala kasing love life iyan"

"TATAY!"

"HAHAHAHA"

"hayaan mo at magaaply ako sa iyo"

Hindi ko mapigil ang aking pagtawa kaya mas lalo ko itong nailakas pero sila nanay, tatay at reese ay tumigil sa pagtawa ng banggitin iyon ni reese kaya naman ay napahinto din ako.

forever still existTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon