11

53 21 14
                                    

11

August 9 Sunday

Nakatayo ako sa gitna ng dance floor at siya ay ilang layo lang rin sa aking harapan.

Napakagwapo niya talaga.

Mula sa kanya talampakan ay sinipat kong siyang mabuti. Black shoes, na sobrang kintab, balck slacks, coat, lavender neck tie, at higit sa lahat, ang best accessory na lalong nag angat ng kanyang dating, his genuine smile.

Nakatingin lag kami sa isa't isa, hindi alintana ang bawat tao sa aming paligid na ang mga mata nakatutok sa main ng wagas. Nginingitian niya ko at susuklian ko naman iyon. Huli na ng mapansin kong may hawak pala siyang long stem red rose. Iniaabot niya sa akin ang isang pirasong bulaklak na iyon, napakaganda ng pagkakapula ng rosas na iyon pati ang pagkakabuka ng mga petals nun.

"salamat"

Sambit ko sa kanya habang nakatuon ang atensyon ko sa regalong hatid niya. Ng iniangat ko ang tingin ko at itinaman sa paningin niya ay ramdam kong magiging magkasingkulay ang rosas at ang pisngi ko.

"napakaganda mo"

Patuloy na tumutunog ang kantang hindi ko masabayan dahil sa nararamdaman ko ng mga sandaling ito. Wala ng pakialam sa iba. Siya muna, kahit ngayon lang.

"maari ba kita maisayaw binibini?"

Nakangiting sabi ni ian at nakalahad ang kamay sa akin. Kusang loob ko naman iyong tinanggap. Napakalapit naming sa isa't isa, pisngi sa pisngi. Nakadantay ang kamay ko sa balikat niya at siya ay sa aking bewang at ang isa naman naming kamay ay magkahawak. Napakalaki ng dance floor pero parang sa isang maliit lang na bilog kami sumasayaw at umiikot.

forever still existTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon