23

21 1 0
                                    

"Nakita ko iyon hahaha"

"Oo na! Tinawan pa nauntog na nga"

Niyakap naman ako ni Reese at hinihimas ang ulo kong nauntog.

"Hahaha kung ano ano kasi iniisip e. Ano ba laman niyan?"

"Ikaw"

Napalayo naman siya sa akin at pilit na tinitignan ang mukha ko pero hindi ko iyon hinayaan at yumuko lang ako sabay layo sa kanya at lumakad papalayo.

Ano ba naman!

Paulit ulit kong hinahampas ang noo dahil sa katangahang ginawa ko.

Ano ba pumasok sa isip ko ha! Jusko! Lupa bumukas ka at kainin ako ngayon na!

"Uy Kaye! Teka naman! Hahahaha"

"Ano ba! Wag mo kong sundan! Tsupiiiiiii!"

"Hahahaha may sinasabi ka kanina di ba? Ano nga uli yun?"

"WALA AKONG SINASABI!"

"Oh sige na seryoso na. Huwag mo na ko iwasan oh"

Hinawakan niya naman uli ang kamay ko at inalalayan sumakay ng tricycle.

"Bakit mo ko iniisip?"

"Huh? Sino may sabi?"

"Ikaw. Kanina. Ang liwa-liwanag nga eh"

"Talaga"

"Oh yan ka na naman!"

"Ano na naman?"

"Nagsusungit ka na naman"

"Hindi naman"

Kada may sinsabi siya ay pabalang ang mga sagot ko. Alam kong hinuhuli niya akong ulitin ang sinabi ko kanina pero magiisip na ko ngayon.

Hinatid niya ko sa room at bago siya umalis ay may hinanap muna siya sa akin.

"Asaan ang cellphone mo?"

Kinapa ko naman ang bulsa ko at nilabas ang cellphone kong pipitsugin lang.

"Andito naman ah. Bakit?"

"Akin na"

Bigla naman tumunog ang cellphone niya at tsaka niya ibinalik ang akin.

"Anong ginawa mo?"

"Kinuha number mo. Simula ngayon hatid sundo na kita. Sige na pasok ka na. Sabay tayo maglunch ah"

"Ayoko nga"

Hindi naman niya ko pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad. Pumasok naman na ko sa loob at nakita ko sila Karel at JM na nagkwekwentuhan.

"Oh kamusta date niyo?"

Bungad ko kay Karel

"Ahihihi. Ano ba beshy kinikilig ako hihihi" -Karel

"Hay nako bakla! Ganyan yan! Kanina pa. Puro kilig tapos ayaw naman ikwento hangga't wala ka. Para isang kwentuhan na lang daw. Tamad lang eh" -JM

"At dahil nandyan ka na beshy. Ayun nagdate nga kami sa Little Angels at dahil lunch time ng umalis kami nag grocery muna kami. Para kaming magasawa, yikes"

"Ang pinagkaiba lang siya yung namimili at ako tiga-tulak ng cart"

"Bakla! Muchacha ka pala eh, hindi yan date hahaha"

Hirit naman ni JM na siyang ikinatawa namin pareho pero si Karel, sinamaan lang kami ng tingin.

"Muchacha pa ba yun kahit naghoholding hands kami tapos, kukunin niya yung cart sa akin at sasabihing 'ako na' tapos siya din nagluto pagbalik namin ng Little Angels. At eto pa, gwapo na nga, magaling pa magluto hihihi"

forever still existTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon