Habang nakatingin ako sa kanya at inaalala ang usapan namin kanina ay bigla na lang nanlaki ang mata ko ng magtama ang aming paningin at kasabay nun ay binigyan niya ko ng matamis na ngiti na nakita ng lahat ng tao sa room ng mga oras na iyon.
“WAAAAA ANG GWAPO MO LALO!”
“NAKAKAINLOVE KA NA! AHHHHHH”
**you, you dress up so nice but all I can see was your eyes
and the crowd, came and pulled you away and then you were gone
and I don’t even know your name all I remember is the smile on your face**halos natigil na naman ang mundo ko ng marinig ko ang tugtog sa tenga na parang kanina lang ay halos wala akong maintindihan. Ng mabsorb na ng isip at diwa ko ang mga nangyayari sa paligid ay inaalis ko na agad ang mata ko na nakataingin sa kanya na halos tumagal sa hindi inaasahan.
**ano na naman bang nangyayari sa akin?!
Napailing na lang ako at ipinikit uli ang aking mga mata. Nagpatuloy na naman ang kanta na nasa playlist at mukhang naka shuffle ito dahil hindi nagsunod sunod ang mga kanta ni shawn mendes.
“SIYA! SIYA ANG MAY ARI DITO KAYA HUWAG NA KAYONG UMAASA! OKAY?”
**tss ingay talaga nito ni jm
**all the pain and truth I wear like a battle wound
So ashamed, so confused I was broken and bruised
Now I’m a warrior
Now I’ve got thicker skin
I’m a warrior***Naimulat ko naman uli ang aking mata ng may bahid ng pagkainis dahil may humigit sa kaliwang earphones sa may tenga ko at paglingon ko
“pwede maki-share?”
“hindi!”
Masungit na sagot ko kay reese dahil hindi ko nagustuhan ang pang iistorbo niya sa mapayapa kong pakikinig ng tugtugin. Hinila ko naman sinukbit uli sa tenga ko ang earphone na iyon at nagpatuloy ang kanta.
“sungit! Ikaw na nga lang kakilala ko, hindi mo pa ko kinakakausap at pinababayaan mo pa ko dun sa kaibigan mo”
“eh ikaw naman may gusting maki-sit in di ba?”
“oh? Kala ko nagsasoundtrip ka? Bakit narinig mo ko?”
“ang lapit mo lang kaya”
“ang sungit mo talaga!”
“matagal ko ng alam”
“haha. Oh sige na. huwag mo na kong dedmahin. Wala akong kakilala dito oh”
“ayun si JM oh”
“eh? Ang gulo nun eh, ingay pa. pakilala dito pakilala dun”
“eh di ba yun ang gusto mo?”
“eh?”
“ang maging famous haha”
“mas maganda ka pag ganyan”
Natigil naman ako sa pagtawa ko at inaalis ang tingin ko sa kanya. Pero dahil nakaupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko ay sobrang lapit niya pa rin sa akin.
**ang awkward na naman nito eh
“bakit ba kasi ganyan ka?”
Seryoso ba siya? Tama bang itanong ang bagay na yan? Kailan lang kami nagkakilala at namumuro na talaga ang lalaking ito sa akin. Hindi niya ba alam na parang nakaka-offend ang tanong niyang iyan kahit medyo Malabo pa ang meaning nito? Iba ang dating sa akin na parang ayaw niya sa ugali ko. Ha?!
Nilingon ko na lang siya at sinamaan ng tingin. Sana naman makuha siya sa masamang titig kong iyon sa kanya
“kung anong nasa isip mo, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Madali lang ngumiti pero bakit hirap na hirap kang gawin iyon lalo na sa harap ko?”
BINABASA MO ANG
forever still exist
Teen Fictionwho still believe in forever? Is there forever after all?