"Urgh! Hindi na ko babalik sa coffee shop na to!"
Sabi nung trisha at nag flip pa ng buhok
Hays badtrip! Ngayon lang ako nasabunutan ah! At pag nagkataon pa ay mukhang masasampal pa ko! Naku naman! Kailan pa ko natutong sumabit sa gulo?!
"Wag ka na talaga babalik! Isama mo na din ang mga alipores mo! Dahil ginugulo mo lang ang shop ko! Chupeeeeee!"
Sumigaw naman si jm na syang dahilan ng pag labas ni sir raf
Hala kang bakla ka! Lalo ako mapapahamak neto eh!
"Anong tinawag mo sa amin?"
Halos di makapaniwalang tanong nung mga kasama ni trisha sympre may halo pa din ng pagka maarte ang tono nya
"JM!"
"ALIS!!!"
Nagkasabay naman sa pagsigaw si Sir raf at jm pero ang bakla ay hindi nagpatinag kay sir raf
Bakla ka! Tama na! Si sir raf na yan eh!
Sinindak naman ni jm sila trisha at isa isa itong lumabas ng shop na inis na inis
"What did you do?!"
Patay! Galit si sir!
Nagkatinginan naman kami ni jm at anna, nakuha naman namin ang gustong iparating ni jm kaya umalis kami sa tabi nila at bumalik sa counter.
Si jm naman ay pumasok sa loob at sumunod si sir raf.
"Tara bili!" -anna
"Saan?" Takang tanong ko naman sa knya
"Makikinig tayo. Kawawa ang baklang jm no!"
Wala pa gaanong tao kaya nag eaves drop kami ni anna.
"What did you do back there is so disgusting!"
Boses yun ni sir raf
"Eh anong gusto mong gawin ko? Hayaan kong manggulo yung mga higad na yun sa shop?"
"Jm! Sana man lang inawat mo sila! Hindi yung nakisali ka pa sa gulo tapos nilait mo pa sila! Customers sila jm! CUSTOMERS!!!"
"Inawat ko naman eh"
"Pano? Sa pagsigaw at pagsabi na wag ng babalik? Mawawalan tayo ng customer nyan!"
"Yun lang"
"Haaayyyssss"
"Alam mo raf, di ako tulad mo na naniniwala sa customers always right. Eh si higad number 1 bigla na lang hinablot buhok ni kriza eh tama pa ba yun?"
BINABASA MO ANG
forever still exist
Teen Fictionwho still believe in forever? Is there forever after all?