22

12 1 0
                                        

Siniko naman ako ni Karel na siyang nagpabalik ng ulirat ko. Tinanguan ko na lang tuloy ang tanong ng babae.

"You guys wanna grab some lunch?"
Tanong niya pa uli.

"Yeah. You can join us"

"Ah hindi na. Mukhang may date pa kayo eh"

Ngayon naman ang pagkakataon ko para sikuhin si Karel.

Jusko magkaibigan nga kayo ni JM. Ayaw nyo ipreno nga bibig nyo. Ugh

"Ah pasensya na po-"

"Tingin mo ba boyfriend ko siya?"

Sabi naman nung babae na may halong tawa sabay lingon kay Reese at si Reese ayun, nagulat.

"Ah eh-"

"Hahaha, you know what, you both should join our lunch"

Nauna ng maglakad ang babae at dahil no choice na kami ni Karel ay sumunod na lang kami.

Lumapit naman sa akin si Reese at bumulong

"Hindi ko siya girlfriend. Ikaw kasi ang gusto kong maging girlfriend"

Pagkatapos ay nauna na siyang maglakad at ako? Para akong nabato at literal na hindi na makaalis sa kinatatayuan ko

Pwede pamura? Isa lang. Promise.

TANGINA THIS! PUSO KUMALMA KA! KULANG NA LANG LUMABAS KA JAN EH.

"uy anyare sayo?"

Shemay talaga!!!

Hindi. Hindi. Hindi.

Mali ka lang ng dinig Kriza. Impossible namang magustuhan ka niya?

Baka panaginip lang-

"Aray!"

Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa ginawang pagbatok ni Karel.

"Grabe ka! Ang lakas nun"

"Dapat lang! Wala ka na naman sa sarili eh"

"Eh bwiset kasi yun eh!"

Sumunod na kami sa kanila at pumasok sa isang chinese restaurant.

Umalalay naman sa amin ang isang waiter at kinuha ang order namin.

"I'll have nanking beef, tofu and house tea"

Kung titignan mo ay napaka elegante niya. Oo nga at may katandaan na siya pero naandun pa din ang pagiging class nito.

Iyon siguro ang nagustuhan ni Reese sa kanya.

'Ikaw kasi ang gusto kong maging girlfriend'

Ahhh! Bwiset! Gingulo mo ko Reese!

Naiiling ko na lang ang ulo ko dahil sa kung ano ano mga bagay na hindi makabuluhan ang pumapasok dito.

"Oh bakit? Ayos ka lang?"

Katapat ko si Reese sa upuan at napansin niya siguro ang pagiling ko.

"Ah oo"

"Anong order mo? Magrice ka ah. Parang napayat ka na e"

forever still existTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon