"Nak"
"Oh tay, pasensya na po at medyo natagalan ang uwi ko"
"Kumain ka na ba?"
"Busog na po ako"
"Mukhang may naghatid sayo ah"
"Ah wala po iyon"
"Si reese ba iyon? Iyong pamangkin ni brother jun?"
"Opo"
Napayuko naman agad ako dahil alam ko na kung saan ito patungo at hindi ko iyon gusto lalo pa at nalaman kong may nobya siyang mas matanda ng napakaraming taon sa kanya.
"Tay, hindi po nya ko hinatid nagpumilit lang po iyon na sumabay sa paglalakad keso daw pareho lang daw kami ng direksyon"
patuloy pa din ang nakakalokong ngiti ni tatay kahit ang haba na ng paliwanag ko sa kanya
Siguro ay hindi nya ko naintindihan. Kailngan ko bang ulitin?
"Tay-"
"Nak, wala naman akong sinasabi, bakit ba ganyan ka kung dumipensa"
"Po?"
Lalo naman akong napapahiya sa harap ni tatay. nagsasabi lang naman ako ah
"O sya sya hahaha, niloloko lang kita haha"
"Tatay talaga. Wag nyo pong lagyan ng ibig sabihin iyon dahil hindi ko po prayoridad ang bagay na iyon"
"nak, wag mong hadlangan ang mga bagay na pupweding mangyari. Tsaka bata ka at natural lang ang bagay na iyon"
Natural? Ang alin? Magmahal? Magmahal na magkalayo ang agwat ng edad
Kung sabagay, age doesn't matter ika nga
"Masaya po ako sa kung anong meron ako ngayon tay"
"Pakiramdam ko tuloy ay parang kami ang hadlang-''
"Tatay talaga, papaano naman mangyayari iyon kung kagustuhan ko mismo ang bagay na ito. Tsaka tay, di po ako nagmamadali"
"Alam ko at natutuwa ako at ganyan ka magisip sa buhay. Ngunit sadyang hindi ko maialis sa aking isipan na hindi mo na-e-enjoy ang buhay"
Hindi naman ako nakapagsalita pa. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin, napakahirap ipaliwanag.
Masaya naman ako sa buhay ko ngayon at hindi ko maintindihan bakit naiisip pa iyon ni tatay
"Teka, maiba tayo kamusta naman pagaaral at trabaho? Pasensya na, nak. Kung kaya lang sana namin ng nanay mo"
"Tay, ayan ka na naman e. Ilang beses ka ba hihinga ng pasensya kahit hindi naman kailngan? Ayos lang po ako. Kaya ko po at huwag nyo kong alalahanin. Sasabihin ko naman po sa inyo pag hindi ko po kaya. Sige na tay, magpapahinga na po ako kayo rin po"
Pumunta na ko sa aking kwarto na may kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.
Tanging malalim na buntong hininga lang ang aking nailabas.
"hala! Ate karla, si ate oh"
"Ha? Hahahahaha"
Naihawak ko naman agad ang kamay ko sa aking ulo
Tsk, ang sakit ng ulo ko
"Hahaha"
"Hahaha"
Minulat ko ng kaunti ang aking mata para makita kung sino ang mga iyon at hindi nga ako nagkamali
"Ken, karla, ano ba ang ingay nyo"
BINABASA MO ANG
forever still exist
Teen Fictionwho still believe in forever? Is there forever after all?