3

66 26 15
                                    

"Ehhhh, parang ganun na nga"

"Araaaayyyyy"

Nakatanggap namam daw ako na malakas na batok mula kay karel. Aba! Ang sakit ah.

Eh sa hindi ko talaga maalala na birthday ko pala e tsaka ano naman ngayon kung birthday ko? Mababago ba nun na isang kahig isang tuka kami ng pamilya ko? Mababago ba nun ang estado namin sa buhay? Hindi naman di ba

"Bakit ba?"

"Anong bakit? Bakit nalimutan mo na birthday mo ha huhuhuhu"

"Hala! Karel oy! Bakit ka naiyak?"

"Eh kasi naman never mong inisip ang sarili mo. Lagi mong inuuna ang mga tao sa paligid mo. Pero kriza, di naman masama yun, pero sana lang matuto ka din na isipin ang sarili mo kahit minsan"

"Hahaha, salamat karel. Pero alam mo, nasa priority list ko kasi ang pamilya at kaibigan ko e kaya ayun haha"

"payakap nga..."

At niyakap nga nya ko

"At pakiss din hahahaha"

Ngumuso naman sya at akmang hahalikan nga ako

"Aaahhhhh karel anooooooo baaaaaa"

Huhuhu. Ayaw ko talaga ng hinahalikan ako eh huhuhu. I feel molested haha joke! Ewan ko ba, basta lumaki ako ng hindi ko trip ang kiss na yan kahit beso pa. Naartehan kasi ako pero madalas talaga nadidiri ako hahaha may laway kasi e hahaha

Or pwede din na fact kasi ayaw ko lang maging sweet sa kahit sino dahil hindi yun ang attitude ko, dahil pag nangyari yun hindi ko makikilala sarili ko hahaha

"Hahaha. Napakaarte talaga neto e hahaha. Happy birthday kriza. Enjoy your day. Lord, please gawin nyo namang sweet, girly at sexy tong babaeng to"

"Huy, para kang baliw jan. Alangan naman mag magic si Lord at tuparin nga yun"

"Syempre tutuparin Nya yun. Mabibigay sya ng determination at lakas ng loob pati focus para magawa mo ang mga bagay na yun"

"Ano ka ba, nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa. Eh ang kaso wala sa isip ko na magbago! Hahaha"

"e bakit nga ba?"

Eh?

Napatanong din naman tuloy ako sa isip ko.

Bakit nga ba hindi ko magawang magpapayat? Bakit hindi ko magawang maging isang babae, sa kilos at pananamit? Bakit hindi ko kaya maging sweet? Bakit nga ba?

forever still existTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon