2

79 24 14
                                    

"Kaye, magkano ito?"

"30 isang order aling beth"

"Osige 3 order nga. Tinamad na kasi ako magluto sa amin e."

"Eto ho aling beth salamat ho."

Dito samin mas kilala ako bilang kaye, nahirapan daw kasi ako bigkasin ang pangalan ko nung bata ako at mas nasanay daw ako bilang kaye

"Ken! Bakit ang tagal mo! Ang daming nabili ngayon dahil pananghalian na"-karla

"Sorry ate. Pinaghain ko pa sila nanay e. Tsaka kumain pa ako. Eh kayo ni ate kaye nakakain na?" -ken

"Hindi pa nga e. Gutom na ko. Ikaw na muna pumalit sa akin. Ate tara na kain na tayo"

Busy naman ako pagbebenta ng mga ulam at kanin para sa mga nagpapabalot at si ken naman ang nagbebenta sa mga kumakain

"Mauna ka na bilisan mo na lang at tulungan mo si ken"

"Ate, bitawan mo na yan ako na jan. May part time ka pa"

Maaga kami nakaubos ngayon buti na lang talaga, dahil kailnagan namin ng pera ngayon para sa gamot ni nanay

"oh eto. Ibigay mo kay nanay ang kita natin sa tindahan."

Sabi ko kay karla pagkasara ng tindahan.

"Umuwi na kayo at ken, dahan dahan sa pagpepedicab ah!"

"Ate, pasensya ka na. Hindi ka tuloy nakakain kanina" karla

"Nako, okay lang sa shop na ko kakain sige na uwi na magiingat ah magluto na rin kayo ng pang hapunan"

Hay, iba talaga pag panganay. Pero syempre di dapat sumuko ng basta basta haha

"Kriza, bumili ka na ng bagong bag! Sira na yan oh"

"Haha pupwede pa yan Anna"

Ang totoo. Dalawa lang ang bag ko. Dalawang jansport na class a. Yung isa pamasok sa eskwela at yung isa naman  pamasok sa trabaho.

At itong si anna tuwing makikita niya ang Bag ko ay lagi niyang sinasabing paltan ko na ito.

Bukod sa wala pa akong pera eh kaya pa naman ng bag ko haha

"Saang banda jan ang pupwede? eh halos tagpi tagpi na lang yan e"

"Hay nako, wag ka ng makulit at lumabas na tayo at magtrabaho"

"Ahhhhh! Sakit sa katawan."

Natapos na ang shift namin at mag na-9 na.

Hay salamat. Makakauwi na din ako. Isang nakakapagod na araw ang nangyari ngayon puro trabaho pero mas okay na to kesa sa walang trabaho di ba.

"Job well done!"

Si sir raf. Siya ang manager namin dito sa coffee shop. Mabait yan at si anna? Ayun, natulala na naman kay sir. Haha

"Hoy, laway mo tumutulo na"

Bulong ko sa kanya at sinabayan ko pa ng pagkunwaring punas sa may labi niya. Naconcious namam ang lola mo at pinunasan ang labi at ako ay nagpatuloy lang sa pagtawa

"Hahahahaha"

"Ang sama mo! Wala naman eh!"

Lumapit naman si sir raf sa amin.

forever still existTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon