Simula
"Ako nga pala si Tornado Apolonio de Mayor, I know this is our school's annual talent showcase for the closing program, I am here in front of you guys not just to compete or perform, andito rin ako para kantahan si Leshyla Fairel Portelia, ang babaeng halos limang taon ko nang nililigawan," naghiyawan ang mga taong nanonood sa baba ng entablado, nilibot ko ng tingin ang mga audience, "baby if you're there I hope you hear me, I personally composed this song I only dedicate to you."
Tinapat ko ang mic sa harap ng labi ko at nagsimula akong mag-strum sa strings ng gitara na hawak ko, naging tahimik ang mga tao habang pinapakinggan ako, biglang dumilim ang paligid at tumutok ang spotlight ng entablado sa akin.
Hindi ako tumigil sa paglibot ng tingin hanggang sa nakita ko si Fairel na nakatingin sa akin, may ngiting nakaukit sa kanyang magandang labi. Ngumiti naman ako at nagsimula nang kumanta habang nakatitig sa kanya.
"I'll take away your pain,
I'll pick up your broken pieces,
I'll fix you with my kisses,
Coz you're my only queen."Tila ba naglaho lahat ng tao sa paligid at kaming dalawa lang ni Fairel ang naiwan, nasa pinakadulo siya ng audience at nakatayo, I strummed my guitar as I resonate with its rhythm.
"My soul will be the place you can call home,
Your flaws, your faults, you are perfect to me,
You're my heart 'till you make me set you free
My queen, will you stay with me on the throne?"We both stared at each other as if we were the only ones, humugot ako ng malalim na hininga saka ko pinikit ang aking mga mata, ang itsura ni Fairel ang imahe na agad na nagpakita, damn I must really be madly in love with her.
"Let me make you forget
Your pain, all the brokenness,
Let me be the only one
Coz baby I'm enough."Maraming camera at cellphone ang biglang tumutok sa akin, maraming kumukuha ng video at litrato ko habang kumakanta, hindi ko na lang pinansin ang mga iyon at tinuon ko lang ang buong atensyon ko sa babae ng buhay ko.
"Your soul will be the place I can call home,
My flaws, my faults, please be perfect to you,
I'm your heart 'till you make me set you free
Your king, won't you stay with me on the throne?""Baby will you let me be your man?
Yes or no?""Putangina yes Tornado!" Sigaw ng isang babae, nakatingin lang ako kay Fairel na hindi kumibo, she wasn't the girl who yelled and she is too prim and proper to shout curses, nanatili lang siya sa kanyang gawi, I stared at her hoping she'd say yes or just nod her head to me.