Hindi ko alam kung ano ba ang sumabit sa kokote ko at andito ako ngayon sa harap ng tarangkahan ng bahay ni Reina, maaga pa at hindi ko alam kung gising pa siya. Magdamag kong pinag-isipan ang gagawin ko, ngayon lang ako gagawa ng isang desisyon na para sa ikakabuti ng iba.
Pinindot ko ang doorbell na nakadikit sa pader, nakailang pindot pa ako bago bumukas ang pinto ng bahay, bumungad si Reina na naka-pajama at sando, magulo ang buhok niya, at halatang kakagising lamang.
Agad na lumiwanag ang mukha niya nang makita ako at agad na tumakbo para pagbuksan ako, niyakap niya ako saka hinalikan sa pisngi, "I was lonely, mag-isa lang kasi ako sa kama, nasanay nang andoon ka."
Hindi ako gumanti sa yakap niya o halik, sa halip ay tinanguan ko lang siya at saka walang sabing pumasok, halata ang pagtataka sa mukha ni Reina dahil sa reaksyon ko, nang nasa loob na kami ay tinunton naming dalawa ang salas.
"Ang aga mo pala, kumain ka na? Lutuhan kita ng miki? Aroz kaldo? Noodles? Soup?"
"Hindi iyon ang pinunta ko dito." Seryosong sagot ko, umupo kaming dalawa sa magkaharap na sofa na ang pagitan ay babasaging mesa, halata ang pagtataka sa mukha ni Reina, isang magandang mukhang hindi karapat dapat sa isang tulad ko.
"Andito ka ba... para anuhin ako?" Namula si Reina sabay turo sa gitna ng hita niya, lumunok ako at umiling. "E-E... ano?"
Tumingin ako ng diretsa sa kanyang mga mata, "let's end this."
Parang naging malamig na bato si Reina sa kanyang kinauupuan, biglang nangilid ng luha sa kanyang mata, humugot siya ng malalim na hininga saka pinilit ngumiti, "binigay ko naman na ang lahat..." Yumuko siya at nanginig ang kanyang balikat, "binigay ko sa iyo yong first hickey ko, first kiss, first sex, first hug, first boyfriend, first... first love..." Nagsimula siyang humikbi. "Hindi pa ba iyon sapat?" Pumiyok siya sa huling linya.
Parang may kung anong karayom na tumusok sa puso ko, may parte sa loob ko na gusto siyang bitawan at may parte na ayaw, pero para sa kanya ito, tama si Fairel, ginagamit ko lang si Reina. She deserves to be loved, not used. Apparently, I am not suitable for love.
"Nagbibiro ka... right?" Tumayo si Reina saka lumuhod, niyakap niya ang binti ko habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata, "nagkulang ba ako? S-Sabihin mo kung saan, pupunuhin ko kung saan man ako nagkulang, gagawin ko ang lahat... ikaw na lang ang meron ako, ikaw lang ang rason kung bakit bumalik ako dito..."
"Hindi kita maalala kahit man na sabihin mong dati na tayong nagkakilala."
Suminghot siya, "noong bata tayo, nangako ka pa..."
"Huwag mong iyakan ang isang lalakeng tulad ko, hindi ako karapat dapat sa mga luha mo, save your tears for someone worth it." Pagpapatahan ko sa kanya, "and never kneel for me, never do that."
"You can hurt me for as long as you want, hanggang sa magsawa ka, huwag mo lang akong iwan, please... huwag..." Pag-iyak niya.
I sighed, "makinig ka sa akin Reina, lahat ng narinig mo sa usapan namin ni Fairel noon totoo, ginagamit lang kita."
"Wala akong pake. Ayos lang ako doon." Sagot nito.
Umiling na lang ako, "huwag mo nang pahirapan ang sarili mo, hindi kita mahal."
Tumingin siya sa akin at napatitig ako sa luhaan niyang mukha, "titiisin ko lahat, please don't leave me, please stay..."
Hindi ako umimik, tumayo ako at saka tinanggal ang yakap niya sa binti ko.
"You deserve a better man, I cannot be that when all along I am the worst man."
"Ito ba ay dahil nandito na si Fairel?" Pinunasan niya ang kanyang mga luha, hindi ako umimik, ngumiti siya sa akin, "naiintindihan ko na, kung dito ka magiging masaya..."
![](https://img.wattpad.com/cover/70246727-288-k355859.jpg)