Kabanata 12

15.5K 370 120
                                    


Hinatid ko na pauwi si Fairel, sa totoo lang ay kating kati na akong malaman kung ano ang nangyayari sa kanya, she looks like she was in so much pain and I should take pleasure with that pero may lumalabag sa loob ko, I really don't want to see pain anymore.

I parked my car in front of her house, "you can tell me what's wrong."

Ngumiti lang siya, "anemic lang ako." Anemic and she is nosebleeding, puking blood, and bleeding? Really?

"Kilala kita, alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi." Seryosong sagot ko, nagtagis ang bagang ko habang hinihintay ang kanyang sagot, she was formulating answers, that I know.

"Ayos lang ako, huwag kang mag-alala." Ngumiti siya saka binuksan ang pinto ng kotse ko, "pwede ka nang umuwi."

"Kaya mo ang sarili mo?"

She nodded.

"Then let's have a date tomorrow." Sagot ko sa kanya, halata ang gulat at saya sa kanyang mukha dahil sa alok ko, "is it a deal?"

Mabilis siyang tumango sa akin, ngumisi naman ako at kumaway na siya at tuluyan nang pumasok sa bahay, mula sa loob ng sasakyan ay natanaw ko ang bahay ni Reina at nakita ko siyang nakatingin sa aking gawi mula sa veranda ng bahay niya, nagbuntong hininga ako dahil may kung anong nagtulak sa akin para lapitan siya.

Alam kong wala na akong karapatan, tinapos ko na ang relasyon namin bago pa man may magawa ako sa kanyang mas malala, iniwas ko na lang ang tingin ko at tuluyan nang umalis sa subdivision.

Nang bumalik ako sa ranch ay agad kong plinano ang mga gagawin namin ni Fairel bukas sa date namin, should we have a window shopping? Watch a romantic movie together? Eat lunch at a restaurant?

Masyadong cliché, gusto ko ng something memorable, something very fun.

I ended up opening my note app in my phone and listing down ideas I could think of, I ended up crossing out the mainstream ones at iilan lang ang natira.

Lunch date. Couple shirt. Watch movie at the mall's theater. Play arcade games. Ship date.

The last idea, I got that from my cousin Ice and it won't hurt to copy his idea, sobrang proud niyang kinwento ang ship date nila ni Flemeral if I am not mistaken, damn that woman was as hot as hell, minsan nalibugan pa si Kuya Thunder sa babaeng iyon at pinagnasaan.

Matapos iyon ay agad kong tinawagan si Cloud, he owns the CCA mall and I know he can help me with my plan, sa ikatlong ring ay sumagot siya, "ano ang kailangan mo, Tornado?" Halata ang inis sa kanyang mukha.

"Did I disturb you?"

"Oo."

Ngumisi ako, "in the middle of the day? Wala kang patawad kay Alison." Pagbiro ko, akmang bababaan niya ako nang magsalita muli ako, "I need your help! Minsan lang akong humingi ng tulong, sinamaan rin kita noong nagpa-tattoo ka, consider this as the payment."

"Kingina, tuwang tuwa ka pa noon dahil alam mong takot ako sa karayom saka imbes na palakasin mo ang loob ko ay iba ang ginawa mo. Shut up ka na lang, bilisan mo pagsabi ng kailangan mo at nasa gitna kami ng ano ni Alis-aw baby! Magigising si Chase, keep it down!"

Umiling na lang ako, "can you close the entire mall tomorrow for me?"

"No. Malaking pera ang mawawala, we can't just close my mall in such short notice at dumadaan sa maraming proseso iyan. Hindi porket ako ang owner ay kung gusto kong bukas hindi magbubukas ang mall ay hindi magbubukas ang mall bukas, that is not how the business world works." Aniya. Kingina ang daming satsat, oo o hindi lang naman ang sagot.

Break Me to fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon