Kabanata 7

17.8K 398 23
                                    


Naguluhan ako sa huling sinabi ni Reina sa akin bago siya nakatulog sa bisig ko, magdamag ko iyong pinag-isipan. We've met before? Wala akong maalala patungkol doon. Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan ang oras at nakatulog na ako.

Nagising ako dahil sa tunog ng telepono ko, agad ko itong kinuha, nang makitang tumatawag si Kuya ay nangunot ang noo ko, "what? Nagpaalam ako kina Papa." Bungad ko.

"Hindi ito tungkol doon, I have plans with Elunar today, pwede bang ikaw muna ang magbantay sa mangoe plantation? Ngayon ang harvesting season e." Paliwanag niya mula sa kabilang linya.

Nakipagrelasyon na rin ang kapatid ko, huh? This is new.

"Okay, pero may kalapit. Isang suntok sa sikmura sa susunod na pagkikita natin." Ngumisi ako sa sarili kong kagustuhan.

"Okay, huwag lang sa dalawang ulo ko." Sagot nito at binabaan na ako. Kingina matapos kong pumayag hindi man lang magpasalamat?

Bumangon na ako ng tuluyan sa katre saka tumingin kay Reina na payapang natutulog, hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa kanyang maamong mukha saka siya hinalikan sa kanyang noo, "just sleep, I gotta go."

"Saan?" Garalgal ang boses nito siguro dahil kakagising lang, siguro nagising dahil sa paghalik ko sa kanya, halata ang bakas ng pagod sa kanyang mukha at andoon pa rin ang bahid ng natuyong luha sa kanyang magkabilang pisngi, she cried last night because of me...

"Babantayan ko ang plantasyon sa ranch namin." Sagot ko sa kanya, tumango naman ito sa akin. "You should rest, okay?"

Ngumiti siya at tumango. "Ingat."

Umalis na ako ng tuluyan at sumakay sa kotse ko, nagmaneho ako patungong Villanueva at pumasok sa ranch namin, pinark ko ang kotse ko sa garahe nito at tumungo na sa aking kwarto para magpalit muna.

Isang lumang pawad at sapin ang sinuot ko, dahil magbabantay at sasamahan ko lang naman ang mga pipitas ng mangga ay hindi ko na kailangan pang magdamit ng magarbo, naghilamos na rin ako at nagsipilyo, matapos iyon ay kinuha ko ang cowboy hat ko saka sinuot ito.

Lumabas na ako sa kwarto ko at walang sabing pinasok ang kwarto ni Kuya, tulad ng inaasahan ko ay wala siya. Saan kaya ang punta no'n kasama si Elunar at ganito na lang kaaga?

Tumungo na lang ako sa kwadra ng mga kabayo at nadatnan ko ang alaga kong si Hangin sa ikaamin na baitang, si Hangin ay isang kayumangging kabayo na regalo sa akin ni Lolo Takardon, actually, parehas na nagregalo siya nito sa amin ni Kuya.

Halata ang pagkasabik sa mukha nito nang makita ako, binuksan ko ang tarangkahan nitong nagkukulong sa kanya at saka kinuha ang tali't pinalibot sa kamay ko, giniya ko palabas sa nangangamoy na kuwadra si Hangin at tinungo ang paliguan sa likod nito, hindi gaanong mabango ang amoy ni Hangin ngayon kaya dapat lang na maligo siya.

Nang matapos ko itong paliguan ay tinignan ko ang bakal sa bakalan ng kanyang mga paa, matapos iyon ay sinuot ko sa kanya ang sintadera, sumakay na ako sa kanya ay hinawakan ko ang satiyan, "hiya!"

Mabilis namang tumakbo si Hangin palabas sa tarangkahan ng bakod na nakapalibot sa stable, naging mas mabilis pa nang nasa labas na, tinahak namin ang shortcut na daan papuntang manggahan, ngunit pinatigil ko nang may nakita akong pamilyar na pigurang naglalakad patungo sa old mansion, "Fairel?"

Lumapit ako sa kanya at nang narinig niya ang tunog ng paa ng kabayo ay umikot ang kanyang tingin sa direksyon ko.

Napatingin ito sa akin, nang matanaw ako ay ngumiti siya ng pilit at saka lumapit sa akin. Bumaba naman ako kay Hangin.

Sumimangot ako. "Ano ang ginagawa mo dito?"

"Gusto sana kitang imbitahan. Birthday ko next week."

Napataas ang isang kilay ko, muntik ko nang makalimutan na kaarawan nga niya sa susunod na linggo, may nilahad siya sa akin at agad ko namang kinuha ito, mukhang ito ang invitation paper, binulsa ko na lang ito sa sapin ko.

"Pwede ka nang umalis." Seryosong sambit ko, kumislot naman siya dahil sa sinabi ko, pinaglaruan niya ang kanyang mga daliri na tila ba nagdadalawang isip sa kanyang gagawin.

"Saan ang punta niyo ni Hangin?"

Siningkitan ko siya ng mata, "why do you care? And never even dare to call my horse by his name."

Siya nga pala ang nagpangalan kay Hangin noon... kasi ang buhawi raw ay naglalaman ng hangin, hanging nagtatangay, sumisira, kumikitil. Parang pinatunayan ko lang ang pangalan ko, everything I touch breaks, maybe because I am broken and this is my destiny, to break and ruin all that can be broken.

Nagbuntong hininga ito, "sorry..."

Pinaikot ko ang aking mga mata, "lagi ka na lang bang magso-sorry? Walang mababago sa sorry mo." Malamig na sagot ko, "at hinding hindi kita mapapatawad hangga't sa hindi ko makuha ko ang gusto ko sa iyo."

"Ang masaktan ako ng sobra? Doon ka ba talaga sasaya? Kung oo, saktan mo na ako ngayon." Pinikit nito ang kanyang mga mata na tila handa na, pinagmasdan ko siya at mas maputla siya ngayon.

Bumuo ng isang linya ang labi ko, "not in the mood today, may mas importante akong bagay na aasikasuhin kesa sa iyo at hinding hindi kita magagawang saktan sa pisikal, emosyonal na lanh para mas mahaba ang sakit kesa sa pisikal na panandalian lamang."

"Pwede bang sumama sa lakad mo?"

"Ang kapal ng pagmumukha ko, malamang hindi." Sagot ko at sumakay na kay Hangin, "huwag kang mag-alala, magpapakita ako sa birthday mo, bibigyan rin kita ng regalo, makakaasa ka sa akin. Hindi kasi ako tulad mong paasa."

Tumango ito at nangilid ang luha nito sa kanyang mga mata, halata ang lungkot na namuo dahil sa mga sinambit ko. Hindi pa iyon sapat, gusto kong tumulo ang mga luha niya. Gusto kong pagmasdan na unti unti siyang namamatay dahil sa sakit ng damdamin, ipaparanas ko sa kanya ang naranasan kong kasakitan sa araw na tinaboy niya ako.

No... she will hurt more.

"Tornado..." Tawag muli niya bago ko mapatakbo si Hangin.

"What?"

"Hindi manika si Reina para paglaruan mo sa iyong mga palad, tao rin siya at babae... nasasaktan." Ngumiti ito ng mapakla sa akin bago niya ako tinalikuran at nilakad ang daan palabas ng ranch.

Humalakhak ako at sarkastiko siyang nginitihan, "naisip mo rin ba iyan noong pinaglaruan mo ako at sinaktan?"

Yumuko siya. "May paliwanag ako, makinig k-"

Hindi ko na lang pinansin iyon at saka agad na pinatakbo si Hangin patungong taniman ng mga mangga bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, "si Sir Thunder, Sir?" Tanong ng isa sa mga tauhan.

"Hindi siya makakasama, ako ang proxy." Sagot ko naman, "pwede na po kayong magsimula." Tumango ito sa akin at agad na inakyat ng ibang mga tao ang mga mangga, ang iba naman ay pinitas ang abot ng kamay.

Tumalon ako pababa kay Hangin at saka siya tinali sa matibay na sanga ng mangga sa may damuhan upang makakain siya, matapos iyon ay iniwan ko na siya at nakisali sa pagpitas ng hinog na mga mangga.

***

Break Me to fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon