Kabanata 14

14.6K 320 39
                                    



Isang linggo na ang nakalipas matapos umamin sa akin si Fairel na may sakit siya, I also got her to talk to her parents about this matter, sinabi kong mga may karapatan rin silang malaman ang kanyang kalagayan, they are her parents.

Dahil doon ay babalik dito sa probinsya ang kanyang mga magulang mula sa Bataan, they were so worried and sad at the same time, humanap pa sila ng expert para dito but Fairel insisted not to anymore, in her eyes it was clear her bleeding disorder was incurable, pero hindi dapat mawalan ng pag-asa.

Nasa harap kami ng bahay ni Fairel at hinihintay namin ang pagdating ng kanyang mga magulang, niyakap ko siya mula sa kanyang likod at hinalikan sa kanyang batok, "we'll get through this..."

Dumapo ang kamay niya sa braso ko saka siya tumango, matapos ang ilang sandali ay may kotseng nag-park sa harap ng bahay at lumabas sina Tito Fairon at Tita Gachella, halata ang pag-aalala sa kanilang mukha pati na rin ang pagod dala ng mahabang biyahe.

Tumakbo sila palapit at saka niyakap ng mahigpit si Fairel, nagsimulang umiyak si Tita Gachella habang kalmado naman si Tito Fairon ngunit alam kong nagpapakatatag lamang siya. "Bakit ngayon mo lang sinabi, anak?" Umiiyak na tanong ni Tita.

"I-I'm sorry, Mom..." humihikbi nang sagot ni Fairel, nanatili lamang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang pamilyang umiyak, pinikit ko ang aking mga mata. Should I stay or leave?

Nagulat ako nang hinila ako ni Tito Fairon at niyakap, "salamat sa pag-alaga mo sa prinsesa namin habang wala kami."

Tumango ako at pinilit ngumiti.

Tumingin ako kay Fairel, she looked like a broken angel, she looked so fragile and broken that I suddenly urged to fix her, she was broken and torn by her own flesh.

She was sick and I know not a single prayer can save her now, but I will still pray for a miracle para sa kanya, kahit na mahirap maniwala na totoo nga ang himala, maniniwala ako sa Diyos.

Matapos ang madramang pagdating ng kanyang mga magulang ay pumasok na kami ng tuluyan sa loob ng bahay, tumungo kami sa dining room kung saan naghanda ako ng tuyo at ham para sa almusal, since bawal magpagod si Fairel ay ako na lang ang nagluluto araw araw at alam ko namang hindi siya marunong magluto.

Halos dito na rin ako matulog at tumira, alam na nina Mama at Papa ang kondisyon niya kaya hinayaan lang nila ako na alagaan siya, they told me that Fairel needs me right now and I should amend to that.

"You'll receive treatment daily, okay?" Saad ni Tito Fairon kay Fairel habang kumakain kami.

Tumango lang si Fairel.

"We called a doctor, darating siya mamaya." Saad ni Tita Gachella, tahimik ko lang na kinain ang aking almusal. Tumingin sa akin si Tita, "so Tornado, did you pop my daughter's cherry already?"

I know she asked that to lighten the sour mood, sobrang bigat ng tensyon sa amin dahil sa sakit ni Fairel, Tita laughed at her own joke trying to break the cold ice but stopped awkwardly when nobody reacted.

"Hehehe." Ngumiti ng pilit si Tita at nagbuntong hininga, "it's no use lurking over the bad things, live life to the fullest and believe in God!" She said, "magpakatatag ka Fairel, huwag mong hahayaan ang sakit mo na sirain ang buong buhay mo, never do that."

Break Me to fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon