"A-Ano po ang kondisyon ni Fairel?" Kinakabahang tanong ko kay Mr. Cojuantel, tinawagan ko na sina Tita at Tito, on the way na sila papunta dito sa Alta Rio Hospital, kasalukuyang sinasalinan ng dugo si Fairel, I wanted to donate my blood but my blood type is AB and hers is O. Hindi pwede.
Malungkot na tumingin sa akin si doc, "her condition worsened, kukuhan namin siya ng CT scan to check her brain if there's a bleeding there, mataas ang posibilidad na may brain bleeding siya. If not, maybe an organ inside her is affected."
I looked at Fairel's unconscious body, may nakasuot na oxygen mask sa kanyang mukha, she looked peaceful and tired while sleeping on the hospital bed, lumapit ako at hinawi ko ang buhok niya saka siya hinalikan sa noo, "get well soon, Fairel. You can do it."
Matapos ang ilang sandali ay pumasok ang mga magulang ni Fairel sa private room, halata ang pag-aalala sa kanila, lumapit sila kay Fairel at malungkot siyang pinagmasdan. Si doc naman ay abala sa pag-ayos sa pagdaloy ng blood transfusion.
"Doc, ano po ang nangyayari kay Fairel?" Tanong ni Tito Fairon.
"All I can say for now is that she needs to be confined here, bukod sa marami siyang dugong nawala ay mataas ang risk na mas lumala ang hemophilia niya kapag hindi siya mabantayan ng professional." Nagbuntong hininga si Mr. Cojuantel. "We need to be strict with her health right now, she's in critical condition."
Yumuko ako, this is all my fault. Kung hindi ko lang inaya si Fairel na gumala sa zoo ay hindi siya hahantong sa ganito, kung hindi ko lang sana siya pinasyal siguro masaya siya ngayon habang nanonood ng kanyang mga pelikula o teleserye.
"Hijo, it's not your fault if that is what you are thinking." Hinawakan ni Tita Gachella ang kamay ko, tinignan ko lang si Tita na hinila ako para yakapin, "wala kang kasalanan sa nangyari sa kanya, mabuti nga at agad mo siyang dinala dito sa hospital."
"I'm sorry, Tita..."
"Ano ka ba, Tornado. Wala kang kasalanan, okay? Walang mababago kapag sisisihin mo ang sarili mo, we need to believe in Fairel that she can do it."
Tumango ako sa kanya.
"My poor angel, what did she do to deserve this?" Malungkot na lumapit si Tita kay Fairel at saka hinaplos ang pisngi, tumulo ang luha sa kanyang mata.
Tumingin ako kay Tito Fairon na kausap si doc, napagpasyaan kong lumabas muna sa private room ni Fairel sa hospital at umupo sa mga hilera ng upuan sa corridor, tinignan ko ang orasan at pagabi na pala, pumasok ako at nakita kong gising na si Fairel ngunit mga mata lang ang gumagalaw.
"Oh, Tornado, you should go home and get some rest. Kami na ang magbabantay sa anak namin."
Tumango ako at lumapit ako Fairel, sinundan ako ng tingin niya saka siya ngumiti, hindi siya makapagsalita dahil sa oxygen mask niya, hinalikan ko siya sa kanyang noo, "I'll visit tomorrow morning."
Pinikit niya ang kanyang mga mata at marahang tumango, nagpaalam na rin ako kina Tita at tuluyan nang umalis sa ospital at dumiretso na sa ranch sa Villanueva.
Naging mabilis ang takbo ng oras at isang linggo na ang nakalipas, Fairel was confined in the hospital for her health, she's getting better as well after replenishing the blood she lost through blood transfusion, she's also having iron supplements.
![](https://img.wattpad.com/cover/70246727-288-k355859.jpg)