Sa sumunod na araw ay binisita ko si Fairel, hindi ko na lang pinansin ang bahay ni Reina na madilim. Saktong pagdating ko ay nakita kong pinapasok sa compartment ng sasakyan ng kanyang magulang ang kanilang mga maleta.
Siguro aalis na sila dahil ang sadya lang naman talaga nila dito ay ang pag-celebrate ng birthday niya.
Nang matanaw nila ako ay ngumiti si Tita Gachella saka hinaplos ang braso ko, "mabuti at bumisita ka ulit, Tornado!"
"Uuwi na kayo, Tita?" Takang tanong ko when the answer is obvious.
Ngumiti siya, "yes, kailangan na naming bumalik sa Bataan, hindi pwedeng pabayaan ang pagawaan namin roon." Hinila niya ako at saka niyakap, bago kumawala ay mapaglarong pinalo niya ang pwet ko at ngumisi, "malusog!"
Napailing na lang ako.
Sumunod naman si Tito Fairon, "take care of our princess." Seryosong saad nito sa akin sabay turo kay Fairel na nasa tabi at pinapayuhan ni Tita Gachella. "Marami siyang pinagdadaanan kahit na ayaw niyang magkwento, alam namin ni Gachella na may kinikimkim siyang sakit, huwag mong dadagdagan ang sakit na iyon."
Tumango lang ako, tuluyan na silang pumasok sa kotse at umalis, naiwan kaming dalawa ni Fairel sa labas ng kanyang bahay, nakangiti siyang tumingin sa akin at saka agad akong niyakap, "nagluto ako ng omelette kasu nasunog." She pouted.
Saktong iyon ay bumukas ang tarangkahan ng bahay ni Reina at bumungad siya, halata ang gulat at sakit sa kanyang mata nang makita kaming magkayakap ni Fairel saka kumuyom ang kamao niya, napalitan ng galit at sakit ang nasa kanyang mata.
Nag-alinlangan namang kumawala si Fairel sa yakap saka ngumiti kay Reina, "good morning..." Nagdadalawang isip na bati nito.
Biglang sumugod si Reina, she dugged her finger in Fairel's wrist and she winced in pain, "everything was fine until you came!"
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Reina saka pilit tinanggal ang hawak niya kay Fairel, "what do you think are you doing? Sinasaktan mo si Fairel!" Galit na sigaw ko at walang alinlangan siyang tinulak, napaurong siya at nawalan ng balanse dahilan upang matumba siya at mapasubsob sa semento.
Dumugo ang dalawang palad ni Reina at kanyang tuhod dahil sa gasgas, binaling ko ang tingin ko sa pulsuhan ni Fairel na ngayon ay namarkahan ng kuko ni Reina, namumula ito ngayon siguro dahil sa lalim ng pagkakahukay ng mahahabang kuko niya.
"Hindi mo dapat tinulak si Reina, she's badly hurt." Akmang lalapit si Fairel para tulungan si Reina na ngayon ay umiiyak na habang nahihirapang tumayo nang hawakan ko siya sa kanyang braso para pigilan.
"She deserves that."
Mas lalong umiyak si Reina dahil sa sinambit ko, nagbuntong hininga ako, parang may kung anong nagmumura sa kalooban ko dahil sa ginawa ko, she tried to hurt Fairel and I just protected her.
Wait... why did I protect her? Umiling ako nang may isang ideyang pumasok sa isipan ko.
This is just for show, to make her believe that I really love her. That I still love her. Tama, kasali lang ito sa plano ko para magpakitang tao, there is no way I will really protect Fairel.
Why would I protect someone that I will just break in the end? Right Tornado, what you did was an act. Nothing special. Hindi ka na ang dating lalake three years ago na handang gawin lahat para kay Fairel. Ngayon, handa kang gawin lahat para masaktan siya.