Time passed so fast and here I am, standing in front of the altar, waiting for my wife-to-be, humugot ako ng malalim na hininga, something inside of me is debating and rebelling, malakas ang pintig ng puso ko.
Lumunok na lamang ako, maraming newscasters na nasa paligid, this church wedding is almost like a perfect fairytale wedding, there is a red carpet on the aisle, the decorations are grand especially the flowers, the white curtains, and the attire. Halatang pinagplanuhan at pinaggastusan ng halos kalahating milyon ang kasal namin.
Pinikit ko ang aking mga mata, saktong iyon ay bumukas ang matayog na lumang pinto ng simbahan at nagsimula ang pagtugtog ng musika kasabay ng entourage, isa isang naglakad ang mga napili ko para sa entourage, lahat din ng pinsan ko ay dumalo at maraming babae ang nakatitig sa kanila. Hindi kami lahat gaanong malapit maliban kina Ice at Cloud.
Sa pinakadulo ay bumungad si Fairel, she was wearing the most beautiful bride gown I've ever seen, lahat ng tao ay napatayo at gaya ko ay napako ang tingin sa isang diyosa na naglalakad sa pasilyo, nagpalakpakan ang lahat habang siya ay nakangiting naglalakad sa gitna palapit sa akin.
Time begun to slow down as I watch her, parang naglaho ang lahat ng nasa tingin ko at si Fairel lamang ang natira. She looked like an angel, hindi mo maiiisip na may dala siyang sakit sa likod ng kanyang kagandahan.
Humugot ako ng malalim na hininga, mas naging malinaw ang mukha niya nang medyo malapit na siya. Behind that see-through veil she was wearing a light makeup that complimented her beauty.
Tumigil siya sa harap ko, I held her hand and we walked some steps up to the front of the altar where the bishop was waiting.
May nilagay silang string sa akin at kay Fairel, matapos iyon ay nagsimula ang wedding ceremony.
Sa gitna ng seremonya ay hindi ako mapakali dahil sa dami ng tumatakbo sa isip ko, today was also the day that Reina is leaving...
Bumalik ako sa huwisyo nang magsalita muli ang pari, ramdam kong pinagpapawisan na ako, hinawakan ni Fairel ang kamay ko at ngumiti na parang nadedetekto ang pagdadalawang isip ko. Ngumiti ako ng pilit sa kanya at lumunok.
"Wait."
Napatingin ang lahat kay Fairel nang bigla siyang magsalita dahilan rin upang matigil ang pagsasalita ng pari.
Tumingin sa akin si Fairel at ngumiti, tinanggal niya ang veil sa kanya pati na rin ang strings na nakakonekta sa amin saka siya lumapit at hinalikan ako sa aking pisngi.
"What are you doin-"
She pressed her ring finger to my lips making me shut up and then took off our engagement ring, kinuha niya ang palad ko at nilagay ang singsing doon, "that ring don't belong to me, it belongs to Reina. Go run after her."
Lumunok ako kasabay ng pagsinghap ng mga tao, ngumiti ako at tumango saka ko siya hinila para yakapin, "I will."
"Huwag mong sasaktan si Reina, ha?"
"Thank you, Fairel."
Tumango siya sa akin kasabay ng pagtutok ng mga camera sa amin, tumakbo ako pababa ng altar at palabas ng simbahan habang ang mga tao ay nakatingin lang sa akin at halatang naguguluhan sa mga nangyayari.
Agad akong sumakay sa kotse ko at nagmaneho patungong Algaya Airport, mabilis ang pintig ng puso ko habang nasa gitna ng kalsada, I hope I'm not yet too late.
I know I've been such a prick, an impulsive sadist, a stupid asshole, I know I've been making mistakes all the time, I know that I didn't do anything to deserve Reina, I know. Which is why I'm going to run after her, I'm going to chase her.
For the first time of my life I felt like I'm doing the right thing, nang nasa airport na ako ay mabilis akong lumabas sa kotse ko, not minding if I left it open, not minding of the weird look people are giving me. Wala na akong pake doon. I need to catch up to Reina.
Mabilis akong tumakbo papasok, "Reina Fiore?" Sigaw ko. Lumapit ako sa isang lalake, "nakita mo ba si Reina?"
Nagsalubong ang kilay niya, "what do you mean, Sir?"
Nagbuntong hininga ako at umiling na lang, tumakbo muli ako habang pinapasadahan ng tingin ang paligid. "Putangina, asan ka Reina?" Sigaw ko, lahat ng tao ay napatingin sa akin. Please, don't tell me I'm too late.
May isang gwardyang lumapit sa akin, "Sir, nakakaabala kayo sa mga tao dito sa airport."
"Kingina, kailan ang departure ng flight papuntang Canada?" Tanong ko sa gwardya.
Saktong iyon ay biglang tumunog ang sound system ng airport.
"The airplane that will depart to Canada is about to leave in five minutes."
Suminghap ako, mabilis akong tumakbo at hinabol naman ako ng guard na lumapit sa akin kanina, mukhang may tinawag pa siyang mga kasama na gwardya rin, I passed the scanning area and ran, sumulpot ako sa mga tao, I forced my way into the crowd, "sorry!" Sigaw ko sa kanila at mas binilisan ang pagtakbo.
Mabilis ang pintig ng puso ko hanggang sa nakita ko ang exit na alam kong paliparan ng mga eroplano.
"Habulin niyo siya!" Sigaw ng isa sa mga gwardya na nasa likuran ko, mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko, halos matapilok na ako at lahat lahat na ngunit hindi ako tumigil sa pagtakbo.
Saktong nasa labas na ako ay pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar, may mga eroplano sa paligid, napatingin ako sa isang eroplano at sa bintana nito, nakita ko roon si Reina na malungkot na nakatanaw sa kanyang bintana.
Kahit na hinihingal ako at pawisan na ay tumakbo muli ako, biglang tumakbo ang eroplano.
"Reina!" Sigaw ko, alam kong hindi niya ako maririnig ngunit sinigaw ko pa rin ang pangalan niya, tumakbo muli ako ngunit masyadong mabilis ang pagtakbo ng eroplano hanggang sa tuluyan na itong lumipad sa ere.
Napaluhod naman ako habang naliligo na sa sariling pawis, pinikit ko ang aking mga mata kasabay ng pagtulo ng mga luha ko, biglang may humablot sa kwelyo ko, napatingin ako sa mga gwardya na parehong hinihingal din.
"Please! Pabalikin niyo ang eroplano! Andoon ang mahal ko!" Yinugyog ko sa balikat ang gwardya na mukhang naaawa sa akin.
"Ser, hindi po namin iyan magagawa, security lang kami, sumama ka sa amin Ser at kakausapin ka ni Mr. Saberrick, ang may ari ng airport."
Pinagmasdan ko ang eroplano sa himpapawid kung nasaan si Reina habang kinakaladkad ako ng mga gwardya palabas.
"I will come for you, Reina. Hahanapin kita. Kahit saan ka mang dako ng mundo ay pupuntahan kita, I will make things right, marami akong pagkakamali sa iyo, I know it is not yet too late and even if I am too late... I won't stop. I'm going to find you, Reina. Wait for me..."
Pinikit ko ang aking mga mata.
"I love you, Reina..."
***