Wakas

29.2K 526 87
                                        


"Asan kaya ako?" Tahimik kong tinahak ang daan pataas sa gitna ng gubat hanggang sa nasa dulo na ako, mula roon ay may nakita akong isang batang babae na nakatayo sa mismong dulo ng talampas, "hoy bata, magpapakamatay ka ba?"

Lumingon sa akin ang batang babae at halatang nagulat sa presensya ko, "sino ka?"

"Tornado. Nasaan ako?"

"Ah, nandito ka sa tambayan ko!" Nakangiting sagot nito, "saka bakit naman ako magpapakamatay?" Takang tanong ng babae, "nga pala, ako si Reina."

Tumango lamang ako, lumapit ako sa kanya at tumingin sa ibaba ng talampas, agad naman akong tinakasan ng dugo dahil sa taas ng lugar, "oy, bakit namutla ka? Takot ka sa heights?"

Tumango ako.

"Ganito kasi iyan, huwag kang titingin sa baba, tignan mo yong view! Di ba ang ganda?" Ngiting saad ni Reina sabay turo sa tanawin. "Paano ka pala napadpad dito sa talampas?"

Nagkibit balikat ako, "hinahanap ko sina Mommy at Daddy chaka si Kuya, nasa park kanina kami kasu nawala ako."

"Ang layo kaya ng park dito!" Umiling si Reina at saka hinawakan ang kamay ko, "samahan mo muna ako, hahanapin natin sila mamaya."

Tumango na lang ako, magaan ang loob ko sa babaeng ito, mukhang magkaedad lang din kami.

"Tornado, ang cute mo!" Biglang saad ni Reina sabay pisil sa pisngi ko, sumimangot naman ako dahil sa kanyang ginawa.

"Mas kyut ka." Sagot ko saka ko pinisil pabalik ang pisngi niya bilang ganti, nagtawanan na lang kaming dalawa dahil sa aming ginawa.

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Reina, umupo kaming dalawa sa dulo ng talampas, sinunod ko ang payo niya na huwag titingin sa baba kundi sa tanawin lamang at nakatulong naman ito.

"Tumatakas," nagbuntong hininga si Reina, "lagi akong nakakulong sa bahay e, ayaw akong palabasin nina Mommy at Daddy, delikado raw."

"Bakit naman?"

"Sikreto lang natin, ha?" Tumango ako, "mafia boss si Daddy." Saad niya kaya naman napakunot noo ako, ano iyon?

Nanatili kaming nakaupo ni Reina sa talampas hanggang sa tumayo siya at hinila ako, "Tornado!"

"Bakit?"

"Dahil kyut ka at kyut ako, mag-promise ka sa akin!"

"Promise?" Takang tanong ko.

Ngumiti siya, "oo, promise me that when you grow up, you'll marry me. Promise?"

"Marry?"

"Oo! Yong forever na tayong magiging magkasama!"

Kumislap ang mga mata ko, "oo! Sige! I'll marry you! Promise!"

Ngumiti si Reina saka niya ako hinila at niyakap, "never forget your promise, ha?"

I smiled and nodded. "I promise not to forget."

Bigla akong hinalikan ni Reina sa pisngi, ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa ginawa niya, matapos ang ilang sandali ay may bato siyang pinulot at gamit ito'y nagsulat siya sa mabatong talampas.

Babalik tayong dalawa kapag tayo'y malaki na.

"Ano iyan?"

"Babalik tayong dalawa dito sa talampas kapag tayo'y malaki na." Pagbasa niya, napatango na lang ako.

Matapos iyon ay binato ni Reina ang bato sa talampas, mula sa itaas ay nahulog ang bato pababa.

Break Me to fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon