Nagising ako dahil sa pagkiriring ng telepono ko, nagbuntong hininga ako at pilit imulat ang mabibigat na mga mata, tinanggal ko ang pagkakayakap sa akin ni Fairel at saka bumalikwas sa kama, nang nakabangon na ay agad kong kinuha ang cellphone ko na tumigil sa pag-ring.
You received 13 missed calls from Mom 👹
Pagkabasa ko iyon ay bumilis ang pintig ng puso ko, I checked the time and it was already 8:23AM, shit just happened. Gising na sila. Lumampas ako sa 8AM.
Humugot ako ng malalim na hininga at muling tumawag kay Mama, not calling her will only make things worse. Or worst.
Sa ikatlong ring ay sumagot si Mama, "queen ina kang putragis santisimas que horror! Bakit wala ka dito sa bahay? Hinayupak kang bata kang may titi saan ka nagsusuot? Saan ka natulog? Punyeta sumagot ka! Leche!"
I gulped, napatingin ako kay Fairel na gising na, halata ang gulat sa kanyang mukha dahil sa sinambit ni Mama mula sa kabilang linya, humugot ako ng malalim na hininga, "maayos ako Ma, chill, I'm fine."
"Wala akong pake kung maayos ang lagay mo, ang gusto kong malaman ay kung nasaan ka?!" Pambabara ni Mama, sa kanyang background ay narinig ko ang tinig nina Papa at Kuya.
"I am at Fairel's house." I blurted out, "I slept with her."
"How about your old girlfriend?" Takang tanong ni Mama, "aysh, naguguluhan ako punyeta ka!"
Saktong iyon ay narinig ko ang paghablot ng telepono mula sa kamay ni Mama, ibang boses naman ang nagsalita, "anak, pinutok mo ba sa loob? Magkakaapo na ba kami? Saan kayo gumawa?"
Napaawang ang labi ko dahil sa tanong ni Papa, mabilis namang namula si Fairel dahil sa tanong niya.
"What the fuck, Pa?"
"Tangina! Kanino ka natutong magsalita ng masama leche ka? Que horror!" Sumbat ni Mama. My eyes formed a slit knowing they cannot see me, obviously sa iyo ako natuto, Ma.
Tumingin ako kay Fairel na namumula na ang tenga, halatang nagpipigil sa pagtawa dahil sa kabaliwan ng mga magulang ko.
"Gising na ba si Fairel, anak?" Tanong ni Papa. Sasagot sana ako nang magsalita rin si Mama.
"Nakakalakad pa ba siya?"
"What the hell?"
"Oo, doon kita itatapon kung malaman kong walang nangyari sa inyo ni Fairel! Gosh, hindi ako nagpalaki ng mahinang lalake lalo na kapag sa kama!" Narinig ko ang pagpaypay ni Mama sa kanyang sarili.
Nagsalubong na lang ang kilay ko, "o'sya, gusto naming makausap si Fairel!" Masayang saad ni Papa, binigay ko naman ang phone sa kanya at nagdalawang isip niya itong tinanggap, halata ang kaba sa kanyang mukha, hinawakan ko na lang ang kamay niya at pinisil ito para bigyan siya ng lakas loob.
"Hello po?"
"Our dear Fairel! We are very sorry kung hindi kami nakadalaw sa kaarawan mo!" Naging mabait agad ang boses ni Mama.
"Ayos lang Tita." Nakangiting sagot niya.
"Gusto naming bumawi ni Hernandes, join us today for breakfast. Okay?"
![](https://img.wattpad.com/cover/70246727-288-k355859.jpg)