Pinauwi muna ako nina Tito at Tita, they told me that they'll take charge of taking care of their daughter, gusto rin nilang sila muna ang mag-aruga sa kanya, hinayaan ko sila at sinabing na-miss ko na rin ang kabaliwan ng mga magulang ko at si Kuya Thunder.
"Tornado! Putragis kang bata kang may titi na niluwal ko! Bakit ka umuwi? Doon ka kay Fairel at alagaan mo siya! Jusmiyo santisimas que horror!" Bungad ni Mama sa akin nang i-park ko ang kotse ko sa harap ng old mansion.
Napailing na lang ako, "pinauwi ako nina Tito Fairon, Ma. Sila raw muna ang mag-aalaga sa kanya. Plus, I need to rest as well, I had a straight week of sleepless nights. Mukha akong gwapong panda."
Ngumiti si Mama at saka niya ako hinila para yakapin, "my poor little junior... ang bantot mo, maligo ka ha?"
Sumimangot ako, "I'm not smelly."
Pumasok na ako ng tuluyan, si Mama naman ay tumungo sa mga kwadra ng kabayo para pakainin sila, nang nasa kwarto ko na ako ay padapa akong humiga sa kama at natulog, damn it was the best sleep I had for weeks.
Nang magising ako ay hapon na, I decided to take a long shower and scrubbed my whole body clean, mabilisan lang kasi ang pagligo ko sa bahay ni Fairel para mabantayan siya lalo't kaming dalawa lang kaya bumabawi ako sa matagal na pagligo ngayon, minsan nga sinabi ko sa kanya na sabay na lang kami pero sinabi niyang masyado na iyon.
After that refreshing hot shower, I changed into my denim short and pure white shirt, lumabas na ako at saktong iyon ay nakasalubong ko si Papa na mukhang galing sa veranda, "Pa, I'm going back to Fairel's house."
Tumango ito sa akin, "may hinanda ang mama mo na mamon para kina Fairel, go get the basket at the fridge."
Muli akong tumango, pinayagan na ako ni Papa at tinungo ko ang ref sabay kuha sa basket ng mamon, matapos iyon ay sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho patungong Zeraphine Subdivision, I stopped at the 37th house, Fairel's house...
Bumaba na ako at saka pumasok dahil nakabukas ang tarangkahan, nang nasa loob ako ng bahay ay sinalubong ako ni Tita Gachella na tumingin sa dala ko, "oh my mamon!" Mabilis siyang kumuha ng isa sabay kain.
"Gawa ni Mama, Tita."
"I see her baking skills never rusted! Kingina ng mama mo ang galing mag-bake!" Lumabi si Tita kasabay ng pagsulpot ni Tito Fairon sa likuran niya, sinubuhan siya ni Tita Gachella ng mamon at nag-thumbs up siya.
"Ako na ang bahala dito sa basket ng mamon," aniya sabay kuha sa hawak ko, "may bisita nga pala si Fairel, kakapunta lang sa taas."
Bisita? Reina? Bakit siya ang biglang sumagi sa isip ko? Stop thinking of her, Tornado! Siya lagi ang laman ng isip mo kaya hindi ka makatulog sa gabi bukod sa pag-aalaga mo kay Fairel!
"Sige Tita, pupunta na ako sa taas para makita siya at yong bisita niya."
Tumango ang mag-asawa sa akin at hinayaan akong tumaas, alam ko naman na kahit masaya ang pag-akto nina Tita at Tito ay nasasaktan sila, sino nga ba naman ang hindi masasaktan? Ako rin ay hindi ko matanggap na may hemophilia si Fairel.
And it is incurable, untreatable, you can only control the bleeding but you can't cure it, sinabi rin sa akin ni Mr. Cojuantel ng palihim kahapon na mataas ang risk ng miscarriage kapag mabuntis ko si Fairel dahil una sa lahat ay sa blood clot nabubuo ang fetus, at hindi normal ang blood clot ni Fairel which causes hemophilia.
At kapag safe man na nanganak siya na hindi nagkakaroon ng miscarriage ay mataas ang risk na ang baby namin ay may hemophilia or any sakit sa dugo tulad ng leukemia dahil genetic ito at napapasa.