Kabanata 18

15.8K 383 92
                                    



It's been a week, naka-schedule na ang kasal namin ni Fairel, alam na rin ng families namin, sinabi namin sa kanila ang engagement namin three days ago bago kami nagpa-schedule ng wedding sa Alta Rio Cathedral, magaganap ito three weeks later, the exact date na luluwas si Reina sa bansa papuntang Canada.

Actually we also announced it to the public, kaya naman rumagasa ang mga midya para mangalap ng impormasyon dahil kahit man na hindi na kasali sa showbiz si Fairel ay malaki pa rin ang impluwensya niya sa mga taon na naging actress siya, na-interview na rin ako once pero matipid lang na we are engaged ang sinagot ko saka umalis.

Hindi ko rin hinayaan na makalapit sila kay Fairel dahil bawal siyang ma-stress.

Nasa ospital kami ngayon para sa regular checkup ni Fairel, kinuhan siya ng dugo para sa complete blood count, nagkaroon rin ng physical examination sa kanya para malaman kung umaayos ba ang lagay niya o lumalala.

Lumabas si Mr. Cojuantel sa laboratory niya hawak hawak ang isang folder na naglalaman ng files ni Fairel, tumikhim ito saka nagsimula, "seems like you are getting better, mukhang sinusunod mo ang mga payo ko at hindi nakakaligtaan ang maintenance."

Ngumiti lamang si Fairel, I intertwined our fingers and smiled at her.

"Pero tulad ng lagi kong sinasabi, huwag magpapakampante masyado. Darating pa rin ang oras na bigla ka na lang dudugo, kapag may maramdaman kang parang mali o masakit you must call me immediately, pwede rin bang i-record niyo o sulat kung kailan ka inatake ng hemophilia at gaano katagal so that I will know what we are dealing."

Tumango si Fairel.

"Okay, iyon lamang." Pag-dismiss niya sa amin, lumabas na kami sa office niya at sumunod namang pumasok ang nakapilang pasyente.

"Ihahatid muna kita pauwi para makapagpahinga ka, I also have my checkup with Mrs. Cojuantel, 'yong specialist ko. Tumawag siya kay Papa at sinabing gusto raw niya akong makita for a checkup, nagkukwento raw kasi si Mr. Cojuantel na ako ang mapapangasawa ng isa sa mga pasyente niya." Pagpapaliwanag ko.

"Gusto kong sumama..."

"Don't push yourself too much, Fairel. Okay? You need to rest."

Nagbuntong-hininga si Fairel saka tumango, pinagbuksan ko siya ng pinto at hinintay na sumakay, sumunod na rin ako at saka ko pinaandar ang kotse ko, hinatid ko na si Fairel sa bahay nila, saktong iyon ay nadatnan namin si Tita Gachella na abala sa front lawn ng bahay, she's gardening.

"Salamat sa pagsama." Fairel kissed me on my lips and smiled, "I love you, tawagan mo ako after your checkup."

Tumango ako sa kanya. "Sige."

Bumaba na siya nang tuluyan, kumaway sa akin si Tita at tinanguan ko siya, tuluyan na akong umalis sa subdivision at dumiretso na sa clinic ni Mrs. Cojuantel, mula sa maliit na parking lot niya ay nakita ko ang kotse ni Papa, nauna na siguro silang pumunta dito.

Lumabas na ako sa kotse ko at pumasok sa clinic, nadatnan kong nag-uusap sina Mama at Papa kay Mrs. Cojuantel, lumapit naman ako at nang napansin nila ang anino ko ay lumingon sila sa aking gawi.

"Oh, there he is." Masayang saad ni Mama.

Tumingin ako kay Mrs. Cojuantel na nakangiti sa akin, "hello there, lover boy. Naaalala mo pa ba ako?"

Break Me to fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon