Pagkagising ko ay nakita kong umiilaw ang screen ng phone ko kaya naman bumangon ako sa kama para tignan ito, seems like my brother just sent me a text message.Fr: Thunder
Where the fuck are you? Bilisan mo ang umuwi. XxNapamura na lang ako, if our parents find out tiyak grounded na naman ako, sobrang strict pa naman nila na ikakandado ka sa kwarto mo kapag hindi sumunod sa curfew time, kahit may SPD ako hindi pa rin ako nakakalusot doon.
Nagbuntong hininga ako at saka tumingin kay Reina na hubo't hubad, tanging ang kumot lang na pinaghatian naming dalawa ang saplot sa kanyang katawan, inalog ko siya dahilan upang gumising siya, "uuwi na ako, hindi pwedeng malaman nina Papa na hindi ako natulog sa bahay, I'll come here for lunch." Saad ko.
Ngumiti siya sa akin saka ako siniilan ng halik sa labi, "sige, see you later then." Tumango ako at mabilis na tumakbo paalis ng bahay, mabilis ang pag-drive ko patungong Villanueva habang mabilis ang pintig ng puso, I took the secret way papuntang old mansion para walang makaalam at magsumbong sa mga tauhan, mabuti na lang at may ganoon dito sa ranch kundi patay, mabilis ang pag-park ko sa garahe at saka bumaba na.
I tiptoed my ways into the house, naglakad ako nang malampasan ko ang receiving room kung saan may kausap sina Papa at Mama na isang lalake, sino kaya iyon? Saka bakit ang aga ng gising nila? Usually mga 8AM ang gising pero ngayon 7:00AM pa lang gising na, siguro dahil sa lalakeng kausap nila. Hindi ko na lang pinansin at mabilis na tumungo sa kwarto ko.
Agad akong naligo, nag-sipilyo, at lahat lahat na. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nagbuntong hininga, seems like I'm finally okay thanks to my brother's message. Kung hindi ko iyon nabasa tiyak lagot ako, scratch that, lagot kaming dalawa dahil nabilinan siya na bantayan ako kagabi.
Bumaba na ako nang makaramdam ako ng gutom, pagtungo ko sa dining hall ay saktong andoon na sina Mama, Papa, at ang bisitang lalake. Napatingin silang lahat sa aking gawi, I thought they were at the receiving room kanina lang?
"Oh, it's Tornado." Ngumiti si Papa sa akin, "why so late in waking up?"
"Napuyatan lang, Papa. Nasarapan rin ako ng tulog kasi malamig ang panahon." Sagot ko saka tumingin sa isang lalake na may berdeng mga mata, ngumiti ito sa akin na tila ba alam kung saan talaga ako nanggaling kaya naman napalunok ako.
"Ako nga pala si Heraya Falacia, both my daughters are being toured around the ranch by Thunder." Ngumiti siya.
"How about your wife? Is she also being toured?" Takang tanong ko.
Natigilan siya ngunit agad siyang ngumiti, "she died last year because of leukemia." Napatango na lang ako, I really don't feel sorry at all seeing his eyes become teary by my question, "you know Fairel Portelia? I know you do sikat kasi siyang aktres. Magkapatid ang yumaong asawa ko saka sa Mama niya." Saad nito, kumunot naman ang noo ko dahil sa kanyang pahiwatig.
"Hijo, halika. You must be hungry." Nag-aalinlangang aya sa akin ni Mama kaya naman tumango ako, nangilak ako kay mama ng mayonnaise habang naglalagay sa plato ng wheat bread, nagtimpla naman ako ng tsaa pagkatapos iyon.
"Sanggol ka pa lang noong huli kitang nakita hijo, look at you, you've grown so much! Ako rin ang ninong mo sa bunyag." Nakangiting saad nito sa akin, was I fucking asking? I better shut my mouth lalo't matalim ang tingin ni Papa sa akin na tila nababasa ang nasa isip ko.