Kabanata 17

16K 452 100
                                    


Fairel was finally discharged out of the hospital after how many days, she had blood transfusion and she gained some weight, medyo nagkaroon na rin ng kulay sa maputla niyang balat, hindi mo na rin gaano mapapansin na may hemophilia siya.

Although sinabi ni Mr. Cojuantel na huwag magpapakampante dahil mukhang maayos na naman ang lagay niya dahil darating pa rin ang oras na dudugo siya, "you should go home and get some rest." Ani Tita Gachella, lumapit siya sa akin saka niya kinawit ang kamay sa braso ko at hinaplos ito.

Ngumiti ako nang may pag-aalinlangan, "I'm planning that, Tita." Tinanggal ko ang hawak niya sa akin, "tulog po si Fairel sa kwarto niya. Babalik muna ako sa ranch."

Matapos kong magpaalam ay naglakad na ako paalis, binuksan ko ang tarangkahan ng bahay nina Fairel at lumabas, saktong iyon ay bumukas din ang gate ng bahay ni Reina at nakasalubong ko siya.

Ngumiti ako sa kanya nang may pag-aalinlangan, nagulat ako nang lumapit siya saka tumigil sa harap ko, isang galaw na lang ay didikit na ang labi ko sa noo niya, umurong naman ako para sa distansya...

"You asked me a favor and I gave you that, ako naman ngayon ang hihingi ng pabor." Ngumiti si Reina saka tumingin sa aking mga mata, "spend the rest of the day with me."

"Why?" Matipid na sagot ko.

"I'll tell you after. Sa ngayon, gusto kitang makasama sa buong araw, you can't say no dahil tinulungan kita sa monthsarry niyo ni Fairel, and yeah, hindi mo man lang sinabi na magpo-propose ka pala sa kanya para hindi ako nagmukhang tanga na nanonood sa inyong romantic moment, sinadya mo ba na nandoon ako? Para saktan ako? Anyways, change topic na tayo, let's forget the past. Basta dapat samahan mo ako ngayon." Walang bakas ng sakit sa boses ni Reina habang nagsasalita.

Ngumiti ako saka tumango. "Okay, to repay your kindness, ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa iba."

"Good." Sagot ni Reina saka walang sabing umupo sa driver's seat ng kotse ko, "where's your car key? I'll drive."

Napaawang ang labi ko ngunit tumango nang makabawi saka binato sa kanya ang susi, nasalo naman niya at agad na sinuot sa ignition ng kotse dahilan upang umandar ang makina, sumunod naman ako sa passenger's seat.

"Where do you plan to go?"

"Basta." Ngumiti siya sa akin, "we will go to the places that are somehow special to me, maybe to you too."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Basta." Simpleng sagot ni Reina at saka agad na pinaharurot ang ferrari, napahawak naman ako sa seatbelt ko at napatingin kay Reina na mukhang enjoy na enjoy, wala pa kami sa labas ng subdivision at napakabilis na ng pagmamaneho niya.

"Oh shit, bagalan mo!"

"Hahahaha! Ayoko!" Masayang sagot niya, nang nakalabas na kami sa subdivision na ligtas ay mas lalong bumilis ang pagmamaneho niya, sumisigaw pa siya na parang sayang saya sa pagmamaneho, humugot ako ng malalim na hininga at pinagmasdan si Reina.

Ang singkit niyang mga mata, ang morena niyang kutis ngunit kahit na ganoon ay kumikinang. Ang kanyang mahabang buhok. Matangos at maliit na ilong. Ang mahahaba niyang pilik mata. At ang kanyang labi na minsan ko nang kinaadikan.

Break Me to fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon