Isang buwan na ang nakalipas, it is my first time to step in a foreign country, andito ako ngayon sa Canada and it is snowing like frozen hell, jeesh hindi ako na-inform na malamig pala dito!Nag-check in ako sa Luxurian Hotel dahil iyon ang pinakamalapit na hotel sa kung saan tumitira si Reina, hindi ako nahirapang malaman kung nasaan siya dahil may koneksyon ako, kinausap ko ang asawa ni Ice na si Flemeral patungkol dito, since Flemeral's family in Canada is where Reina surely lives in.
At first ayaw ni Flemeral na ibigay ang lokasyon ni Reina pero pinakiusapan ko siya at hindi tinantanan hanggang sa sinabi niya, siya na rin ang naglakad ng meet-up namin ng mga magulang niya na kakausapin ko.
It took me a month dahil maraming mga papeles na inasikasu at nilakad, nagpagawa pa ako ng VISA at lahat lahat na. Nagalit sa akin ang mga magulang ni Fairel dahil sa ginawa ko noon ngunit napatawad agad ako at sinabing mas mabuti na iyon kesa sa magpakasal kami ngunit ako ay parang napipilitan lang.
Hindi rin makapaniwala sina Mama at Papa sa ginawa ko noon, pati na rin ang mga pinsan ko, naging usapan pa iyon sa telebisyon dahil na rin sa dating artista si Fairel.
Nasa isang coffee shop ako kung saan kami magmi-meet ng Lenessia family, humugot ako ng malalim na hininga at tinapat ang palad sa taas ng umuusok na macchiato, bumukas ang pinto ng coffee shop at nagkaroon ng kring sound, bumungad ang dalawang mag-asawa na may katandaan.
I know by first look that it is them since Flemeral looks a lot like the mother, tumayo ako at lumapit sa akin ang mag-asawa, "you must be Ice's cousin..." Saad ng lalake.
"And the reason why Reina came back to us." Seryosong wika ng babae.
Lumunok ako, they seem to be hostile to me, sino nga ba ang hindi? I deserve this treatment, humugot ako ng malalim na hininga, "I'm Tornado Apolonio de Mayor, Sir, Madam."
Tumango ang mag-asawa, "I'm Flamor and this is my husband Emerald Lenessia." Ngumiti ang mag-asawa, both carry a very powerful and strict aura, umupo na kami sa booth namin, "I saw you at my daughter's wedding, small world!"
Ngumiti lamang ako.
"Alam mong galit kami sa iyo, right?" Ngumiti si Tita Flamor.
Yumuko lamang ako at saka tumango.
"But since you are here, medyo nawala na ang galit namin sa iyo." Bawi ng lalake.
"I'm really sorry for what I did to Reina."
"Huwag ka sa amin mag-sorry, wala kang kasalanan sa amin, pero malaki ang sala mo kay Reina, to be honest. Lagi siyang umiiyak sa kwarto niya, laging tulala, puyat, at lahat lahat na! You should know she is a very suicidal person pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nagco-commit ng suicide which is great, mabuti at alam ni Reina that you are not worth her life."
Because I told her to promise me not to attempt suicide anymore...
"I know this is too much but I want to ask you two a favor, let's cut the chase and get straight to the point, I want to have a surprise date with Reina."
"Why should we help you?"
"Because I love her."
"How can you prove that?"