3: Enrollment
Kagagaling lang namin ni Mama sa school. Kumuha ng kailangang requirements doon. Talagang napaka-supportive niya sa 'kin. Nakasakay kami sa single na motor at si Mama ang nag-da-drive. Papunta na sa Faith Academy dahil ngayon na ang enrollment. Naglakbay ang isip ko habang nasa byahe kami. Napakahilig ko kasing mag-daydream 'pag wala akong magawa. Humihinto-hinto kami sa daan kapag nagtatanong-tanong dahil ito pa lang ang unang pagkakataon na makapupunta kami sa academy na 'to.
Ano kaya ang itsura non? Curiosity kills me! Private school o simpleng school? Mababait kaya ang mga tao ro'n?
Wala pa kasi akong ka-idea-idea, e. So, imagination muna ang gagamitin ko habang papunta. Ang i-ne-expect ko- isa siyang campus. Tawa na muna tayo, self.
"Anak, mukhang ito na 'yon. Nandito na tayo." Nagulat ako sa sinambit ni Mama dahil malalim ang iniisip ko.
Napatingin ako sa may kaliwang side ko. Nakita ko agad ang malaking Faith Academy na nakasulat sa may itaas ng school. Combination of maroon and white ang naghahari sa colors ng academy. Magaganda ang mga letra na kanilang ginamit. Halatang-halata na isa itong Christian school dahil 'yong letter T sa faith na name ng campus, naka-cross na simbolo yata ni Christ. May halong gold colors ang letters, lalo na ang letter T, tila pinapa-highlight nito. Maraming bible verses ang nasa design ng bakod. Naririnig kong nagpapatugtog ng Christian song- iyon yata tawag dahil nakaririnig ako ng praises at glorifying sa Diyos.
Nakahinto kami sa may tapat ng school, kailangan pa'ng tumawid. "Simple pero maganda," comment ko habang pinagmamasdan ang susunod kong papasukan na school. "Parang private school yata 'to, Ma."
"Walang tuition fee dito kaya hindi 'to private, 'nak."
"Malay mo po Ma, sadyang ganito lang talaga. Hindi sila nagpapabayad ng tution fee para makatulong sa iba. Baka po may mga nag-do-donate rin sa school na 'to at mayaman si Ma'am Faith," opinion ko.
"Maganda nga kung gano'n. Tara?" alok ni Mama.
"Sige po, Ma. Gusto ko ng makapasok ang campus na 'to," sabi ko at tumingin muna kami sa kaliwa't kanan sa pagtatawid.
Pumasok kami mula sa gate. Tinanong muna ng mga guard dito kung ano ang sadya namin dahil wala naman akong ID na mapapakita. Kinuha ni Mama ang card mula sa bag niya na binigay ni Ma'am Faith bilang invitation sa academy na 'to. Pinakita niya 'yon sa kanila kaya pinapasok agad kami. Napapatingin ako sa mga building na nasa loob nito pagtungtong ko sa academy na 'to. Lahat ay hanggang third floor ang classrooms. Mukhang private school ang itsura ng campus na 'to.
If love endured that ancient cross
How precious is my Savior's blood
The beauty of heaven wrapped in my shame
The image of love upon death's frameTuloy-tuloy pa rin ang pagpapatugtog nila ng Christian songs. Kapapasok ko lang dito pero pinapadama na sa 'kin na super religious ang academy na 'to. Naisip ko bigla na baka ma-influence ako ng mga magiging kaklase ko sa pananampalataya nila sa Diyos. "Pero sabagay, isang school year lang naman ako dito." Mabilis lang ang isang taon kaya hindi ko na dapat isipin pa ma-do-doctrine nila ako.
If having my heart was worth the pain
What joy could You see beyond the grave
If love found my soul worth dying forMay mga pakalat-kalat na estudyante dahil na rin sa enrollment day ngayon. Sinabihan lang siya ni Ma'am Faith na ngayon 'yon in case na magbago ang isip ko para mag-transfer. "Sana lang talaga, hindi ko pagsisihan ang paglipat ko rito. Sana rin, makatagpo ako ng totoong kaibigan dito," bulong ko.
"Ano'ng sinabi mo, 'nak?" Narinig ata ni Mama ang bulong ko kaya mabilis akong tumanggi- wala akong sinabi. Nagtanong ulit siya sa nakita niyang guard na hindi ko narinig kung ano 'yon.
BINABASA MO ANG
Faith Academy (Editing)
SpiritualAre you a God's child? Would you like to enroll in a school where you could make friends with Christians? What are you waiting for? Be with them, learn with them, share your life with them, and have a mission to share good news with other people. E...