Chapter 39: Intramurals: Mr. and Ms. Intrams

417 23 7
                                    

Note: credits po sa owner ng pictures na makikita niyo sa chapter na 'to. Don't mind the faces of the pictures.
NOT EDITED

Third Person's  POV

NAGISING SI Elisha na nakita ay puro puti. Naglinga sa paligid nang ma-realize na nasa clinic siya. "Nurse!" tawag niya sa babaeng nakaputi. Ito lang kasi ang nakita niyang tao rito.

"A-Ano pong nangyari?" tanong niya sa nurse nang aligagang pumunta ito sa kanya no'ng tinawag siya.

"Nahimatay ka, Elisha. Dinala ka ng gwapong nilalang dito. Nagmamadali nga e kasi kasali siya sa Mr. Intrams," sagot ng Nurse sa kanya. Si Caleb kaya? Ayan ka na naman, nag-a-assume kaya ka nasasaktan e! "S-Sino po?" lakas loob niyang tanong.

"Akala ko nga e girlfriend ka niya. Hindi pala. 'Yong batang 'yon talaga. Kailan kaya magpapakilala ng babae 'yon sa 'kin?" at tumawa siya. "Si Aaron. Yie!" kiniliti niya si Elisha sa may tagiliran. "Nurse naman!" pagrereklamo niya. "May gusto ka ba do'n?" tanong sa kanya. Siya'y natigilan saglit sa katanungang 'yon.

"Ano naman klaseng tanong 'yan. Hindi ako magugustuhan no'n. Masiyadong imposible na ang isang tulad niya'y ma-a-aatract–"

"Tinatanong ko lang kung may gusto ka sa kanya. Dami mong sinabi! Yie. Kahit crush lang. Haha, joke lang. Pasensiya ka na, feeling close ako sa 'yo. Kaya alam ko ang pangalan mo dahil sinabi niya. I'm Nurse Ana nga pala, Analiva Barnes. Ikaw si?" pakikipagkilala ng nurse sa kanya.

"Okay lang po ang FC sa 'kin. Elisha Racineño po," at nag-shake hands sila. "Wala po akong gusto sa kanya. Ba't niyo naman po na-itanong 'yon?" and she chuckled.

"The way kasing tumingin siya sa 'yo. The way na mag-alala siya sa 'yo kanina," bulong ng Nurse na panigurado'y hindi niya maririnig. "A-Ano pong sabi niyo?" may naririnig siyang sinasabi ang nurse subalit hindi niya ito maunawaan.

"S-Sabi ko. Gwapo siya kaya ko lang natanong," and the nurse chuckles also. "Okay ka na ba? Dali! Humabol ka sa intramurals! Punta ka na kung okay ka na, ha?"

"Oo nga pala, thank you sa pagpapaalala! Sige, okay naman na po ako at salamat po!" at kumaripas ng takbo si Elisha. Pasimpleng kumaway nalang ang nurse kahit na hindi siya nakikita.

SA MAY gymnasium naman, kakatapos lang ng mga nagsalita sa harapan. Mahigit sampu ang nag-speech kaya medyo natagalan. May iba ngang inip na inip e, kaya gumawa ng paraan ang iba para hindi ma-boring. May nagse-cellphone, may nagkukwentuhan, may naka-headset, may mga walang paki at lumilipad at ang isip, at 'yong iba piniling makinig.

Si Elis Neomi Dabids ay muling pumunta sa harapan. Hawak ang mic at nagsalita. "Alam namin na inip na inip na kayo. Kaya ano pang ginagawa natin? Start na!" masigla niyang wika at nagsimulang magpatugtog ang DJ ng Academy na 'yon. Ipinakilala ang mga judges sa competition na ito.

Saktong paparating na si Elisha. Makapal na tao ang nadatnan niya at hindi niya alam kung saan pupwesto. Sa kakalinga niya sa paligid, may tumawag sa kanya. "Dito, Elisha! May space pa!" napatingin siya sa kung saan man nanggaling ang tinig na 'yon. At nang mahanap na niya kung sino ang tumawag sa kanya, aligagang pumunta roon. "S-Salamat Mary," at umupo siya sa tabi nito.

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon