Chapter 52: Sem Break

310 16 0
                                    

Elisha's POV

SA PANSAMANTALANG walang klase dahil sem break, eto napakabilis dahil Nobyembre na. Ang isang linggong bakasyon ay dumaan parang isang bula. Naroroon lamang kasi ako sa bahay.

Sa ngayon, narito ako ngayon sa sementeryo kung saan kami pumunta ni Zephy noong nag-bonding kami. Napapangiti nalang ako habang naalala 'yon.

Napahawak ako sa grave ni Papa. "I miss you, Papa." At pinipigilan kong maiyak. It's been a months nang mulang mawala siya. I'm longing for his presence– his love. That's what I ignore when he's still alive. And that's my fault why he's here. But, it's a past, by the way. Dapat mag-move on na ako dahil 'yon ang nararapat.

Naramdaman ko nalang ang brasong nangyayakap sa 'kin. It's Mama Neomi. Siya pa rin ang kasama ko. Ayoko kina Miss Alfonse– este ang Mommy ko.

"I-It's okay na ilabas mo ang luha mo. P-Pero alam mo naman na ayaw niya na nakikita tayong nasasaktan, hindi ba?" Tumango na lamang ako kay Mama.

Naalala ko lang si Lolo ko kay Mama lang ang dinadalaw ko rito noon, ngayon si Papa na.

"Kwentuhan mo siya, anak, gaya ng ginawa ko kanina." sabi ni Mama kaya napatango muli ako. Oo, kinwentuhan niya si Papa sa lahat ng nangyari. Nalaman ko na ang tunay kong magulang at kung nasaan si Zephy.

"S'yempre Mama. H-Hindi ko makakalimutang ibahagi sa kanya ang lahat ng mga nangyari nang mulang mawala siya." At hinahaplos niya ang likod ko.

"Pa, hindi lang sa araw ng patay kita aalalahanin. Araw-araw kang nasa puso ko at hindi makakalimutan. Naalala mo pa ba 'yong mga panahong naglalaro tayo ng chess? Nakakatawa ka po e. Kahit na hindi ka marunong, eto sinasakyan mo ang trip ko. Pero ngayon po, 2nd place ako? Ha-ha-ha. To God be the glory. Trip ko lang sumali noon kahit na ipinanlalandakan sa 'kin na hindi ako makukuha. Huwag mo pong kakalimutang mahal na mahal kita. Lagi kang nasa puso ko. Narito ka pa rin sa aming puso k-kahit wala ka na. Sana masaya ka na Pa kung nasaan ka man. I love you." At hinihipo ko ang pangalan niya sa grave, at ang tingin ko'y bumaba hanggang sa may date ng kanyang pagkasilang at pagkawala.

Nagyakap kami ni Mama. "Nakamasid lang siya sa 'tin k-kahit hindi na natin siya nakikita. Basta, stay strong sa 'tin. Kapit lang tayo sa Diyos, anak." Lalo naming hinigpitan ang yakap.

Nagtirik nang kandila si Mama– siya'y nakaupo sa may baba at isinalansan ko naman ang mga dala naming bulaklak sa itaas ng kanyang pinaglibingan.

"Hi Neomi!" Bati ng isang matandang babae. Parang familiar ang mukha niya sa 'kin.

"Hi Ma!" tumayo si Mama at niyakap ang matanda.

"Anak, si Lola Micah Lovely Racineño." At bumalik sa mga ala-ala ko 'yong mga panahong nilibing si Papa. Ang sakit para sa kanya na hindi man lang nadalaw ang anak dahil walang magbabantay kay Lolo– ang Tatay naman ni Papa. May sakit na kasi si Lolo at malayo sila mula sa 'min.

"Mano po." At nag-bless ako sa kanya. Nakaugalian ko na talagang magmano.

"God bless hija," At ngumiti siya sa 'kin. "Eto na ba ang a-apo ko? Si E-E-Elisha na ba ito?"

Matagal na kasi kaming hindi nagkita. Nasa malayong lugar sila. "Opo." At ngumiti rin ako.

Nagmano na rin ako kay Lolo. Naka-wheel chair siya at si Lola ang nagtutulak nito. "Sino naghatid sa inyo?" Tanong ni Mama sabay mano sa dalawang manugang niya.

"Iyong anak namin, si Zechariah Racineño, 'yong may-ari ng Peter Academy dito sa lugar niyo," si Lola ang sumagot. "May pinuntahan siyang seminar na malapit sa 'min kaya nakisabay na kami ni Zion sa kanya." Si Zion ay ang asawa ni Lola. Napapatingin ako kay Lolo at ngumingiti siya.

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon