Chapter 40: Intramurals: Sports

388 20 3
                                    

Elisha's POV

KINABUKSAN, nandito na ako sa school, 07:15 am palang. Hindi ko alam kung anong oras pa ang laban namin. Inaamin ko, kinakabahan ako kaya napapakiskis ko ang aking mga palad.

"Anong oras daw laban natin?" tanong ko kay Sarah. Siya'y aking nakasalubong nang ako'y papasok na sa classroom. Siya'y palabas, at ako nama'y papasok.

"Tinanong ko na si ma'am Valdez kanina. Mga 10:00 ng umaga raw ang laban natin. Mauna na ako, ha? Kukuha lang ako ng chess board natin para may magagamit tayo mamaya sa laban," ani Sarah.

"Samahan na kita?" suggestion ko.

"Hindi na. Hintayin mo nalang ako rito. Huwag na tayong maglaro pa upang fresh ang ating utak mamaya," sabi niya kaya napatango nalang ako.

Kumaway na siya kaya kinawayan ko na rin. Nilapag ko muna ang bag sa upuan ko t'saka umupo. Maliit lang na bag ang dala ko ngayon dahil walang klase. Wala pa ang bag ni Janelle kaya na-conclude ko na wala pa siya.

Sa pagkaupo ko, napako ang paningin ko kung saan nakaupo sina Jona at Ella. Sila'y susunod sa upuan ni Janelle. Nakakalungkot lang na isipin na hindi ko pala sila tunay na kaibigan. Puro ka-plastikan lamang ang kanilang pakikitungo. Kasi ang way na ipagtanggol nila ako noon sa mga nangbu-bully sa 'kin– ang sakit alalahanin ang lahat– 'yong mga panahon na magkakaibigan pa kayo. Natalo ko lang sila noon sa quarter test– or should I say mas mataas lang ng konti ang grade ko sa kanila, lumabas ang kanilang tunay na ugali. Tuwang-tuwa pa nga ako kay Jona at Caleb dahil pwede silang couple. Nagkokontrahan. Nakakatuwa sila. Ngunit, truth hurts talaga. Ang hirap palang maniwala ka sa isang kasinungalingan na akala mo'y totoo. Lies comfort but you will never feel the real happiness.

"Layo ng nilalakbay ng isip mo, Sha?" Napatingin naman ako sa nagsalita.

"Huwag mo nga akong tawagin sa pangalang iyan. Naalala ko lang si Papa," pagbabala ko.

"Peace, Elis."

"Ibang tao na 'yan, Mary. 'Yong ex na ni Caleb 'yan," at sabay tawa ko.

"Nga pala, 'yong tinatanong mo kung ano ang reason kung bakit naroon ang ex niya at nag-mc pa?"

"Oo nga pala. Mabuti't naalala mo pa. Nakakagulat lang kasi," sabi ko.

"Hmm ang pagkakaalala ko kasi sa mga sinabi niya– siya ang Miss Intrams sa school nila kaya maimbitahan siya rito. Ang school nila at ang school natin ay magkaibigan, kaya 'yon. Saktong nasabi niya na doon siya galing last year, transferee kasi siya roon kaya na-i-kwento rin niya. Na-miss din niya raw ang school na ito. 'Yon lang. Pumayag naman siya sa invitation."

"Ah." ito na lamang ang aking nasabi sa haba ng sinambit niya.

"Hi Janelle!" bati ko sa kanya nang ilalagay niya ang bag na dala-dala sa kinauupuan ni Mary.

"Nand'yan ka na pala, lipat na 'ko sa isang upuan," tukoy ni Mary sa kinauupuan ni Caleb.

"Sige," sambit ni Janelle.

"Congrats!" sabi ko pagkaupo niya, kasabay ang pag-tap ng kanyang balikat.

"Salamat! Hindi ko talaga inaasahan 'yon. Alam mo ba na ang saya-saya ko dahil first runner up ako, kahit na tinutuya ako ni Lorraine no'n– grabe! Tapos mali pala ng announcement? Hay, pero hindi ko naman pinangarap na maging tulad ni Pia Wurtzbach," natatawa niyang kwento sa 'kin.

"History repeats itself talaga," komento ko sa kwento niya.

"Masyadong mayabang e!" ani Mary na naiinis. "Iyan tuloy ang napala."

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon