Chapter 37 : Spoken Word Poetry

619 28 14
                                    

Note:

Medyo natagalan po ang update dahil sa paggawa ko ng "Spoken Word Poetry" para sa first quarter test nila sa R.W.G. subject.

At nung nakatrip ako, I tried to search "Faith Academy" on Facebook. Nagulat ako na may school talagang ganitong-ganito ang pangalan. Hindi ko alam kung sa Pilipinas ito. Kung maiitanong niyo, walang kinalaman ang story na ito sa school na 'yon. At mas lalong wala akong alam tungkol doon. If I had an extra time to edit, papalitan ko ang title nito pero hindi muna ngayon.

May convo ako with fictional character after this chapter.

Tip:

Para mas feel ang mababasa niyo para sa kanilang first quarter test, kindly read it slowly at damahin niyo. Imagine na may nagsasalita talaga nito na may halong emosyon. Hehe.

Anyways, enjoy reading! God bless..

_____

Elisha's POV

HINDI PA rin ako makapag-move on sa mga nangyari kanina. Si Lorraine, magpapakumbaba? May himala talaga! Waah! Tapos sa oral report pa talaga nangyari. Hindi ko kinakaya ang mga pangyayari.

"Todo makangiti riyan?" pang-aasar ni Janelle sa 'kin. "Anong iniisip mo?"

"Hmm.." hindi na 'ko nagsalita.

"Sila Lorraine ba 'yan? S-Sa bagay, hindi kita masisisi kasi talagang napaka-imposible ng ginawa niya. Pasensiya ka na sa mga pinagsasabi ko kanina, n-nabigla ako sa mga pangyayari. Kasi ang tagal ko nang kaklase si Lorraine kaya parang hindi talaga mangyayari 'yon–"

"Huwag ka nang mag-explain. Naunawaan naman kita," pagpigil ko sa mga ipapaliwanag niya pa.

"Hmp. Sige tara recess ta–" napatigil na naman siya nang magsalita si Lorraine.

"Sabay kayo sa 'min? If you don't mind? And this the way I want to be f-friends with you," pagtukoy niya sa sabay pag-recess. Ba't nauutal pa siya sa friends?

"Kung sa 'kin, walang problema. Si Janelle–"

"Sige lang." mabilis na pagpayag niya na s'yang ipinagtaka ko. Dahil pumayag naman na siya, tumayo na kaming dalawa at sumabay na sa kanilang kumain.

Nagtungo na kami sa canteen ng campus na 'to. Marami ang s'yang tumitingin sa 'min dahil kasa-kasama namin ang sikat sa campus na 'to at ang malaking question mark sa mga utak nila ngayon ay bakit magkasama ang campus bully at victim. Inaasahan ko na rin ang mga bulung-bulungan na maririnig ko.

"Don't mind them," sabi ni Lorraine nang mapansin niya akong nagpapalinga-linga sa paligid.

"P-Pasensiya na," pagpa-umanhin ko.

"No need to say sorry. Gan'yan ang mga tao. Madaling humusga," sabi naman niya kaya tumango na lamang ako.

Naghanap na kami ng pwesto roon. Dahil naman takot sila sa isang Lorraine, agad siyang nakahanap ng pwesto.

"Give that chair to me. I need four chairs," sabi niya sa isang student, babae ito. Nakasalamin siya parang nerd. Subalit nang titigan ko siya parang may kamukha.

"Akala mo kung sino maka-utos," bulong niya ngunit malinaw sa 'king pandinig. Hindi ko lang alam kung narinig ito ni Lorraine.

"What did you say?" Lorraine got angry. Alam kong ayaw niyang may kumokontra sa kanya.

"Wala," mabilisang sagot niya. Mukhang hindi siya takot. "B-Baka hindi mo ako nakikilala?" ibinalik niya ang pagtataray ni Lorraine. Kahit nakasalamin siya, I can imagine kung ano ang buo niyang mukha. Mukhang kilala ko kung sino ito subalit hindi ko alam ang pangalan.

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon