Chapter 42: Life Verse

494 22 5
                                    

Elisha's POV

KINABUKASAN, NAKASAKAY na ako papuntang school. 'Yong about sa life verse ay nagpatulong ako kay Mama. Sa wakas, may nahanap din ako. Praise God!

Pagkababa ko sa tricycle, nagtungo na ako agad sa classroom. Nakasalubong ko pa si Jona at Ella sa pintuan, at sinamaan nila ako ng tingin t'saka lumabas na classroom. Wala na 'kong magagawa pa sa bagay na 'yon. Ang mahalaga, hindi masira ang masaya kong araw ngayon. Maganda ang epekto sa 'kin ang life verse ko. Magiging masaya lang ako lagi para good vibes!

Pumasok na 'ko sa classroom at masayang niyakap si Janelle. Nagbeso-beso muna t'saka ako naupo sa tabi niya.

"N-Nakausap mo na ba ang dalawang 'yon?" tanong ko sa kanya. Ang tinutukoy ko ay kilala niyo na.

"H-Hindi pa. Mukhang mahihirapan tayong kausapin sila," sabay buntong-hininga niya. "S-Sana maibalik pa ang dating samahan, 'no? Pero, mukhang imposible but nothing is impossible."

"Iyan ang gusto ko sa 'yo e! Amen!" at nag-apir kaming dalawa.

At masaya kaming tumawa. Walang halong pilit. Ang saya pala nang ganito.

"Hi Caleb!" bati ko sa kanya pagkalapit niya sa upuan niya. "Hi Aaron!" bati ko rin sa friendbessy ko na kasabay niya. Sayang, kung magkakatabi sana kami.

Naalala ko pa rin ang usapan kahapon. Dami kong natutunan sa kanila. Hindi uso sa dalawang 'to ang may karelasyon. Gusto nila na mangyari ang will ni Lord sa kanila. Sana ganito lahat ng kabataan. Para sa 'kin kasi okay lang na may relasyon, 'wag lang sana makasira ng pag-aaral, buhay at relasyon sa Diyos. At sana inspirasyon lang muna. I'm agree at that situation.

"Sino ba ang tinutukoy mo kahapon sa sinabi mo? If pwede mong sabihin," mahinang sabi ni Caleb sa 'min.

"Nariyan lang sa tabi-tabi," ani Janelle. "Ang dalawang Sancual."

"Anong nangyari sa inyo?"

"Ahh. Basta, sa 'min sa 'min muna 'yon ha?" sabi ni Janelle kaya tumango nalang si Caleb.

"Pasensiya na," ani Caleb.

"No, it's okay. Concerned ka lang naman. Thanks, anyway." sabi ni Janelle kaya napatango nalang si Caleb muli. "Welcome."

"Hi Janelle, Elisha and Caleb. Good morning!" bati ni Jona at Ella nang sabay. Napakunot-noo nalang ako sa inaasta nila. Hindi ko sila maunawaan. Hindi ko rin alam kung bakit kailangang mangyari ito.

"Good morning din," balik na bati ni Janelle plus her sweet voice. "Kumusta ang araw niyo?" halata sa boses niya na nakikipag-plastikan lang siya.

"Hmm. Okay naman," sagot ni Jona.

"A little bit not nice," sagot naman ni Ella.

"Sige, maupo na kami, ha?" ani Jona at tumango si Janelle.

"Hanggang kailan tayo magiging malamig sa kanila?" malungkot na wika ko. "Hay, ang hirap nilang tiisin."

"Oo nga. Bakit kasi kailangan pang mangyari ang lahat ng ito. Hindi ko man lang alam ang dahilan ng pag-aaway natin," nalulumbay din na wika ni Janelle.

"Bigla nalang sila nagalit sa 'kin. Kita mo naman, 'di ba?" sabi ko t'saka tumango si Janelle.

"Kung galit sila, hayaan mo muna itong humupa. Mahirap kausapin ang taong galit dahil hindi ka nito papakinggan," ani Caleb at napatingin kaming dalawa ni Janelle sa kanya. Bakit ang rich nito sa words of wisdom?

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon