"May itatanong ako, ano ang naramdaman ninyo sa ginawa ninyo kanina? Sa heart to heart talk with the Lord?"
Marami ang nagsitaasan ng kamay. Kita sa mga mukha nila ang galak na nararamdaman. Buti pa sila, masaya.
Si Caleb ang tinawag, "Ma'am, iba't ibang klase ng emosyon. Masaya. Basta, hindi ko po ma-i-express sa mga salita ang nadama ko kanina. Basta nasa presensiya Niya, napaka-peaceful. Iyong pakiramdam na safe ka, may nakikinig sayo at may nagmamahal sayo kahit na alam ko sa sarili kong hindi na ako deserving. Marami akong pagkukulang, pero eto pa rin, hindi Siya nagbabago. Siya lang talaga ang hindi nagbabago," at pinalakpakan nila ang sagot ni Caleb and shouting, "Amen!" Wow. Iba talaga ang school na ito.
Bakit ba talaga ako nakikinig? Nakakapagtaka.
Hays. Tama na nga.
Balisa ako habang naghihintay ng oras. Tss. I hate waiting but I have to.
"Bring 1/2 crosswise," sabi ni ma'am at marami ang naglabasan– maging ang naghihingian. Mistula kang pinagkakaguluhan parang artista pag ikaw lang ang may papel! Hahahaha!
*****
Lumipas na ang oras. Mga limang minuto na lamang ay mag-uuwian na. Hays. Sa wakas, ang aking pinakahihintay.
"So class, kita tayo muli bukas. Nawa ay nag-enjoy kayo sa activity na ating isinagawa today. So, I think malapit na magtime, maaga ko na kayong i-di-dismiss. Bye class!" Masaya niyang pagpapaalam sa amin.
"Bye ma'am!" Pagpapaalam din nila.
Marami na ang nagmamadaling magligpit ng gamit. At marami na ang naglalabasang kaklase ko na hindi ko pa gaanong kilala. Hirap ng buhay ng transferee. Kailangan kong kilalanin isa-isa.
Kanina kasi may pinagawa. Reflection sa ginawa kanina. Iyong activity. Alam ninyo kung ano ang nilagay ko?Reflection? Siguro pag nangyari iyong sinabi ko kanina sa "prayer" ay maniniwala na muli ako. Ehh napaka-imposible nun. Hahahaha. Para sa akin, okay lang sa iba iyong kanina blah blah blah.
‛Wag niyo nang alamin ‛yung iba. Hahaha. Hindi na mahalaga.
*******
Kakatapos ko lamang kumain. Lunch namin ngayon. Wala naman gagawing assignment e. Eh di masaya.
"Elisha?" Sabay pagkakaway ni Janelle sa may mukha ko kaya nawala ako sa pagdadaydream ko.
"B-bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Kumusta ‛yung kanina?"
"B-boring. Hahahaha!" Pagpapanggap kong natatawa.
"Grabe naman makaboring ito. Nakita kita kanina, may sinasabi ka kanina. Para kang nagdadasal e?"
N-nakita niya iyon? Paano–?
"None of your business, Janelle."
"Sungit mo naman. Ano nga kasi ang sinabi mo?"
"Privacy, please." Pakiki-usap ko. "Krimen 'pag pinakelaman mo ang privacy ko."
"Ehh ano ito?" Nagulat ako sa pinakita niyang papel. Lukot ito na pinang-scratch ko kanina sa reflection – paanong?
"Ako pa? Hahaha! Parang may malaking question mark sa mukha mo. Paano naman sitwasyon ko? Pinakelaman ko ba? Napulot ko lang, hahahaha!" Nako, tuloy-tuloy na ang pang-aasar niya. So it means, nabasa na niya.
BINABASA MO ANG
Faith Academy (Editing)
SpiritualeAre you a God's child? Would you like to enroll in a school where you could make friends with Christians? What are you waiting for? Be with them, learn with them, share your life with them, and have a mission to share good news with other people. E...