Chapter 50: Feelings

357 17 0
                                    

Elisha's POV

KINABUKASAN, narito na ako sa classroom. Hindi makakapasok si Ma'am Rowena ngayong araw na ito dahil masama ang pakiramdam niya. Sa ngayon, kinukulit ako ni Janelle about sa naging bonding ni Elis. 'Yon at sinabi ko ang mga ginawa namin, getting to know each other at konting kwentuhan. Naibanggit ko rin ang pagdalaw namin kay Papa sa puntod.

"Alam mo," natatawa ako habang sinasabi ito.

Magsasalita palang sana ako kaso biglang nagsalita si Janelle. "Hindi ko alam kaya nga nagtatanong ako e." So, napa-face palm nalang ako sa sinabi niya.

"Okay fine, hindi na ako magkukwento." seryoso kong tinig.

"Eto naman joke lang. Ang seryoso mong tao, Elisha."

"Seryoso ang sitwasyon, nilalagyan mo ng biro." seryoso pa rin ang tinig ko.

"Hay Bes, hindi ko na kaya ang serious tone mo." At napa-sad face nalang siya.

"G-Grabe! Lt ka Bes." at tunawa ako nang tumawa. Tumingin siya nang masama sa 'kin.

"L-Lt?" Matalim pa rin ang tingin. "Wala akong alam sa mga shortcuts na 'yan."

"Laugh trip." nagpipigil pa ako sa tawa.

"Sige, ikaw na ang may alam." sabi niya.

"Tampo ka naman," pang-aasar ko.

"Basta magkwento ka na." demand niya.

"Hmm. Ang demanding–"

"Magkukwento ka o hindi?" At siya naman ang nagtaray at tinaasan ako ng kilay. Napabuntong-hininga nalang ako at pinagmasdan sa paligid upang makita kung may makakarinig sa sasabihin ko. Wala si Jona at Ella sa aming tabi. Malamang, naroon sila kay Lorraine. Ano na ba talaga ang nangyari sa kanila? Nanghihinayang ako sa mga pinagsamahan namin. At wala pa si Caleb dahil maaga-aga pa. Mga seven palang. Maaga akong pumasok dahil sa pangungulit ni Janelle sa chat.

"Ano ba Elisha? Tutulala ka nalang o magkukwento?" mataray na naman si Janelle.

"Eto na nga. Naalala mo pa ba 'yong kinwento mo about kay Elis? Kung paano niya napukaw ang pansin ni Caleb?" Natatawa siya nang matapos kong sabihin 'yan.

"O anong hidden agenda ni Elis diyan? Totoo naman na hate niya si Caleb dahil fame wore raw."

"Crush din niya noon si Caleb," nanlaki ang mga mata niya nang ikwento ko 'yon. Tumingin na siya nang seryoso sa 'kin na para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"Pero hindi gano'ng kalalim ang tingin niya sa binata. Hindi siya katulad ng iba na mga obsessed na kay Caleb. May naiisip siya upang mapukaw siya ng pansin ng crush niya at matalo ang mga obsessed sa kanya,"

"A-At ano 'yon?"

"Kung sa mga wattpad daw, nangyayari ang the more you hate, the more you love, at 'yong tipong nagkakabanyagan pa– slash naiinis sa isa't isa, sila ang nagkakatuluyan sa huli. Kaya 'yon ang ginamit niya at nagtagumpay siya. Minahal din niya si Caleb sa maikling panahon na 'yon. Naging sila pero hindi nga lang sila sa isa't isa."

"Wow," parang hindi pa rin makapaniwala ang boses niya. Relax ang pagkasabi niya at na-amaze. "Akalain mong gano'ng katalino si Elis? G-Grabe. Salamat sa pag-share mo na 'yan."

"No problem. By the way, ang cute natin mag-away kanina," paninimula ko ng ibang topic. "Lahat ng mga sinabi ko nawa manatili lamang sa ating dalawa."

"Walang problema roon. Oo nga, gano'n talaga ang mga best friends e!" sabi niya. "Ay nga pala, nakapag-share ka na ba sa R.W.G. subject?"

Faith Academy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon